Janella Salvador, ikinumpara si Elmo Magalona kay Marlo Mortel

ADVERTISING

Janella Salvador, ikinumpara si Elmo Magalona kay Marlo Mortel

Janella Salvador
Janella Salvador

Ikinuwento rin sa amin ni Janella Salvador sa presscon ng “Born For You” series which will premiere on June 20 na may ugali si Marlo Mortel, dati niyang ka-love team, na nakikita rin niya ngayon kay Elmo Magalona.

ADVERTISING

“Hay naku, actually isa lang. Meron akong napansin, pareho silang antukin. ‘Pag nasandal sila sa kahit saan, tulog na. Pareho silang ganu’n,” natatawa niyang kuwento.

“’Yon lang… ‘yon pa lang naman ang napansin ko,” dagdag niya.

Eh, kumusta naman ang relasyon nila ngayon ng daddy niyang si Juan Miguel Salvador?

ADVERTISING

“Okey lang naman kami. Hindi kami masyadong nag-uusap. As much as possible, ayoko na lang siyang banggitin kasi… iwasan ko na lang, parang ayaw niya rin kasi.

“Si mommy, she never bad mouth my dad ever. She always tells me kung ano talaga ‘yong truth. Never siyang nag-lie sa akin sa kinalalagyan namin ng dad ko. ‘Yon naman ang na-appreciate ko sa mom ko,” paliwanag niya.

Eh, paano kapag in-approach siya ng daddy niya at niyayang makipag-bonding, anong gagawin niya?

“Ah… actually, ‘yon naman talaga ang hinihintay ko, eh… ‘yon lang naman. Ako, I’m open, I’ve been trying to approach him naman,” sey  pa ni Janella Salvador.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING