Janella Salvador hands-on mom kay Baby Jude; Markus Paterson inihian ng anak

Leo Bukas

Isang hands-on mommy si Janella Salvador kay Baby Jude, anak nila ni Markus Paterson. Ayon sa firs time mom, siya mismo ang nagpapadede at nagpapalit ng diapers ng kanilang anak.

Janella Salvador hands-on mom kay Baby Jude; Markus Paterson inihian ng anak
Janella Salvador

“This has been life for me recently. Wake up, change nappies, feed the bubba, try to go back to sleep, put cocomelon on tv, read some colorful books, burp the bubba, bathe the bubba, do a little house organizing, have friends and family visit…. all that jazz — and I’m not complaining,” pagbabahagi ni Janella sa kanyang Instagram account.

Pero sa kabila ng pagod ay masaya raw siya bilang hands-on mom. Excited na rin daw siyang magbalik-trabaho soon.

“I’m excited to go and start working very soon but I’m enjoying every bit of being a hands-on mum. This is the happiest I’ve ever been,” lahad pa niya.

Janella Salvador hands-on mom kay Baby Jude; Markus Paterson inihian ng anak
Markus Paterson with son Jude

May nakakatuwang post din si Markus sa kanyang IG account nang ihian siya ni Baby Jude habang karga-karga ang bata.

Aniya, “I thought the warm feeling on my stomach was the butterflies from holding my beautiful boy. Turns out he just pee’d.”

Regarding Markus, wala pang balita kung kailan ito babalik sa pag-aartista. Mukhang magko-concentrate muna ata siya sa pagiging daddy ni Baby Jude.