Janella Salvador, flattered sa pagiging role model ng maraming teenagers

ADVERTISING

Janella Salvador, flattered sa pagiging role model ng maraming teenagers

Janella-SalvadorFLATTERED DAW si Janella Salvador na role model ang tingin sa kanya ng maraming teenagers. At malaki raw talaga ang nagawa ng pinagbibidahan niyang serye sa ABS-CBN na Oh My G! para sa gano’ng imahe niya.

ADVERTISING

“I feel so blessed na maging example para sa kanila,” aniya nga. “Sana patuloy nila akong i-look up. I’m actually very happy with the ratings ng show. Hindi ko in-expect na maraming manonood talaga ng soap. I’m happy, kasi it really has many values. Maraming matututunan ‘yong mga tao.”

Kumusta na ang samahan nila ng dalawang leading men niya sa Oh My G! na sina Marlo Mortel at Manolo Pedrosa?

“Masaya kami lagi sa set. Mas close ako kay Marlo ngayon, pero nagiging close na rin kami ni Manolo.”

ADVERTISING

Malabo pa raw na mauwi sa ligawan kung may nagiging ka-close man siya gaya nina Marlo at Manolo.

“Bata pa ako. Kaka-seventeen ko lang.”

Kailangan bang mag-eighteen muna siya bago magpaligaw o magka-boyfriend?

“Puwede!” nangiting pagsang-ayon ni Janella. “Kapag kaya ko nang i-balance,” ang career at lovelife ang ibig niyang sabihin.

May pelikula raw siyang gagawin. Ito ay ang Retreat House sa Regal Films.

“It’s with Jerome Ponce and Marlo Mortel. First movie ko ito tapos horror pa siya. Nakape-pressure. ‘Di ba ang first movie, dapat kilig-kilig? E, ito horror, kaya nakape-pressure. But I hope people will support it,” panghuling nasabi ni Janella.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING