Janella Salvador at Elmo Magalona, walang takot magpalutang-lutang sa dagat

ADVERTISING

Janella Salvador at Elmo Magalona, walang takot magpalutang-lutang sa dagat

Janella Salvador at Elmo Magalona, walang takot magpalutang-lutang sa dagat
Elmo Magalona and Janella Salvador

AYON SA kuwento ni Direk Perci Intalan na director ng My Fairy Tail Love Story na pinagbibidahan nina Elmo Magalona at Janella Salvador, hindi raw niya nakitang nag-inarte ang dalawa habang sinusyuting nila ang pelikula ng Regal Entertainment.

ADVERTISING

“Alam mo, ang committed nila. Pag napanood niyo yung pelikula, may isang eksena don, makikita nyo yon don sa underwater, eh. Kasi ang lalim ng sisid ni Janella. Wala siyang takot na… hanggang sa ilalim.

“Si Elmo naman, the whole na si Janella ay nagsisirena, so si Elmo kailangan mo ring pahubarin di ba, pero wala siyang problem,” kuwento ni Direk Perci.

Patuloy pa niya, “Ang test ko  sa kanila is nung nasa gitna kami ng tubig, pwede silang bumalik sa boat kasi matatagalan, so instead of bumalik, naka-floater lang sila don. Nando’n lang sila, lumulutang-lutang don, nakababad.

ADVERTISING

“Kaya nga nangitim si Janella at Elmo, eh, to the point na may isa kaming shoot na hindi namin alam kung paano itatawid kasi nag-iiba yung kulay nila. Very committed silang dalawa at walang kiyeme.”

Ginanap ang very successful premiere night ng My Fairy Tail Love Story nung Lunes sa SM Megamall na dinaluhan pa nina Julia Barretto at Liza Soberano.

Kasama rin sa cast ng My Fairy Tail Love Story sina Kiray Celis, Dominic Ochoa, Kakai Bautista, Dimples Romana at Kiko Estrada na gaganap na karibal ni Elmo kay Janella.

     

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING