Janella Salvador at Elmo Magalona, laging magka-holding hands kahit iniinterbyu!

ADVERTISING

Janella Salvador at Elmo Magalona, laging magka-holding hands kahit iniinterbyu!

Janella Salvador at Elmo Magalona, laging magka-holding hands kahit iniinterbyu!
Elmo Magalona and Janella Salvador

MAGKA-HOLDING HANDS sina Janella Salvador at Elmo Magalona habang iniinterview siya ng TV crew sa ginanap special screening ng kanilang pelikulang My Fairy Tail Love Story held at the Directors Club ng SM Megamall recently.

Kitang-kita sa kinunan naming photo kung gaano kahigpit ang hawak nina Janella at Elmo sa kamay ng isa’t isa. Natanggal lang ang hawakan nila ng kamay after the interview.

Kung pagbabasehan ang gestures nina Janella at Elmo ay iisipin na meron na talaga silang relasyon. Pero patuloy nilang depensa, matalik na magkaibigan lang sila at hindi pa nagle-level-up sa pagiging magdyowa.

“Puwede naman pong mag-holding hands ang magkaibigan, di ba? Wala naman po sigurong masama do’n,” katwiran ni Janella.

ADVERTISING

Eh, sa sinasabi ng mga tao na “action speaks louder the words” at yung pinakita nilang dalawa is a proof of a  more deeper relationship, ano naman kaya ang reaksyon nila?

Janella Salvador at Elmo Magalona, laging magka-holding hands kahit iniinterbyu!
Elmo and Janella holding hands

“Hindi naman po namin idinidenay na we’re very close kaya po ganu’n yung nakikia ng tao sa amin. We are very close kaya normal na yung holding hands sa amin,” sabi naman ni Elmo.

Ipalalabas na sa mismong Valentine’s Day, Feb. 14, ang My Fairy Tail Love Story ng Regal Films na idinirek ni Perci Intalan. The movie is a modern fairytale story at dahil may konting kantahan sa movie para itong Pinoy version ng Disney.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING