Janella Salvador, ayaw pang magpahalik

Janella Salvador, ayaw pang magpahalik

Janella-SalvadorMAGANDA ANG bungad ng taong 2015 para kay Janella Salvador. Bida na siya sa bagong morning series ng ABS-CBN na Oh My G. Leading men niya rito sina Marlo Mortel at Manolo Pedrosa.

“I’m actually very very honored,” sabi ng Kapamilya young actress.

“Kasi first of all, binigyan ako ng sarili kong show. And second, it’s not just any other show. It’s a show about God. And kumbaga… it’s really a big role. This show is about St. Theresa of Avila. It’s her fifth sentenaryo po this year… magpa-500 years na siya sa March.. So we’re celebrating it. And I’m very happy na ako ang pinili nilang maging lead role.”

Ginagampanan ni Janella ang character ni Sophie Cepeda, isang mabait at matalinong teenager na mula sa mayamang pamilya. Sa istorya ay mamamatay ang kanyang mga magulang, dahilan para lumayo ang loob niya sa Diyos na kalaunan ay magpapakita at makikipag-communicate sa kanya sa iba’t ibang pamamaraan.

Ano ang magiging koneksiyon ni St. Theresa of Avila sa kanyang character at sa story ng Oh My G?

“Kasi she has three teachings po. It’s about humility, detachment, and love of neighbors. Kumbaga, ‘yong nangyari sa buhay noon ni St. Theresa, gano’n din ang nangyari sa buhay ng character ko as Sophie. So, iyon po ang ituturo na lessons sa story nito. Although may pagka-religious ang tema, ‘yong teaching po ng lesson nito will gonna be in a fun way. Na God will appear to me in different forms. Minsan teenage God siya, minsan sa Internet, so interesting kung paano Siya mag-a-appear.”

Matagal silang nagkasama ni Marlo Mortel bilang magka-loveteam sa Be Careful With Myt Heart. How close are they as of now especially may sariling show na nga sila together?

“Okey naman po. Masaya kami pareho while working together.”

Pero sa Oh My G, hindi lang silang dalawa ang magkapareha. Makaka-love triangle ni Marlo si Manolo Pedrosa bilang karibal nito sa kanya.

“We’re all happy naman po on the set. The three of us. Nagba-bonding po kami. Nagdya-jaming kami minsan. And si Manolo naman po, he’s very friendly. So, medyo naging close na rin kami.”

Kung sakali, ready na ba siya na magkaroon ng kissing scene with Marlo or with Manolo rin sa Oh My G?

“No. Not yet. I’m just sixteen, ayoko pa po. Kahit siguro eighteen na ako, ayoko pa rin po. Huwag pa muna. Ayoko pa po.”

Dahil may supporters na ang Marnella tandem nila ni Marlo, nagsisimula nang mag-away ang mga ito at ang fans naman ng nabubuong tambalan naman nila ni Manolo na Mano-ella.

“Nakikita ko rin nga po minsan na nag-aaway sila. Actually sa mga fans ko po dahil lagi ko silang nakakasama, sinasabi ko po sa kanila na huwag po silang mang-away. Hayaan na lang kung sila ang awayin. Behave na lang. Ayoko po sana as much as possible na nag-aaway ang mga fans. Sana support na lang, huwag na lang mag-hate ng iba.”

Sa tingin niya, sino ang mas cute kina Marlo at Manolo?

“A… they’re different!” natawang sagot ng young actress. “They’re different po.”

Kadalasan sa mga nagiging magka-loveteam, kalaunan ay nadi-develop sa isa’t isa at nagkakaroon ng totohanang relationship. Sa kaso kaya niya, possible ito with Marlo or with Manolo?

“Kay Marlo, matagal na po kaming magkakilala, e. Since I was twelve. But as of now, I haven’t thought about that. Gano’n din with Manolo na unti-unti ko na ring nagiging ka-close bilang kaibigan.”

May mga nanliligaw ba sa kanya ngayon?

“Meron po. Pero hindi ko masyadong ini-entertain.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan