Janella Salvador at Marlo Mortel, laging pinaghihiwalay

Janella Salvador at Marlo Mortel, laging pinaghihiwalayOkey na sana ang tambalang Janella Salvador at Marlo Mortel na nabuo sa morning teleserye na “Be Careful with My Heart”.

Akala ko nga ay okey na ang dalawa pero pinaghiwalay naman sila ng Kapamilya Network at ipinareha si Janella sa iba, habang si Marlo Mortel ay palutang-lutang lang hanggang magtambal muli ang dalawa sa kauna-unahan nilang pelikula na Haunted Mansion ng Regal Films noong nakaraang MMFF 2015 na kung isinahog si Jerome Ponce (na nakatambal din ng dalaga sa isang teleserye) para maging matibay lalo ang love triangle ng tatlo.

Sa ilang pagkakataon na sinubukan ng Kapamilya Network na ipareha ang dalawa sa iba’t ibang artista para malaman kung ano at sino ang swak talaga nilang ka-love team ay mauuwi pa rin sa original na love team ang dalawa, kung saan magsasama silang dalawa as interpreter ng awiting “Mananatili” ni Francis Louis na isa sa 15 entries sa darating na Himig Handog P-Pop Love Songs 2016.

Sayang nga lang, wala si Janella during the grand media launch ng naturang event na magaganap sa April 24 sa Kia Theater (Araneta Center, Cubao in Quezon City).

“Nasa Japan si Janella Salvador. Iba ang kasama naman niya dun, si Elmo (Magalona),” kuwento ni Marlo na may himig na pagtatampo sa boses na ‘di ko alam kung may selos factor or nagpapa-cute lang.

Actually, malakas ang tambalan ng dalawa. Marami silang mga fans and supporters na nabuo mula nang ilunsad ang love team nila.

Sa muling pagbabalik ni Janella sa telebisyon with a new ka-loveteam sa katauhan ni Elmo sa bagong serye ng Dreamscape Entertainment  na “Born For You” na this summer na magsisimula, makabubuo rin kaya ng following ang tambalan nila ni Elmo or magiging anino lang si Elmo sa lakas ng tambalang Janella at Marlo?

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleLouise delos Reyes, nagtaray sa AlDub fans na nam-bash sa kanya
Next articleVice Ganda, sinorpresa ang ina sa Amerika

No posts to display