Janella Salvador at Marlo Mortel, ‘di maitago ang kanilang ‘something’

ADVERTISING

Janella Salvador at Marlo Mortel, ‘di maitago ang kanilang ‘something’

Janella Salvador and Marlo Mortel
Janella Salvador and Marlo Mortel

May mga fans na nagtatanong sa akin kung sina Janella Salvador at Marlo Mortel ba talaga?

Sagot ko sa PM ng isang fans sa Instagram account ko (@rkvillacorta): What you see is what you get.

Kung titingnan mo kasi ang dalawa sa mga ikinikilos nila, iisipin mo na sila na nga.

Kasi naman, na-establish na noon pa sa simula na it’s Janella and Marlo ang magka-love team sa mga project nila at naitawid na rin ito ng dalawa on a personal basis, kung ang pagbabatayan ang ikinikilos ng dalawa.

ADVERTISING

Sa katunayan, super alalay si Marlo sa dalaga during the press launch ng pelikula nilang “Mano Po 7: Chinoy” na bago sila ipinakilala sa press, sa artists’ waiting area, ang dalawa, kapag nagtsitsikahan at akala mo walang ibang tao, na itong si Marlo, panay ang hagod sa buhok ng dalaga.

Kung hindi mo alam na love team sila at hindi mo alam na sila pala ang magkapareha, iisipin mo na sila na nga.

Si Marlo kasi, maistima sa dalaga na kita naman na pati sa pag-upo ni Janella ay nakaalalay ang binata na baka mahulog ito sa pag-upo.

Very gentleman, sabi ng mga saksi. Na kami naman, saksi kami, pero hindi rin kami sigurado kung sila na nga ba talaga.

Ang hirap kasi sa mga artista, hindi sila umaamin na may ‘something’ sila, kung meron man. Kaya mahirap ideklara na it’s Marlo and Janella na nga, hindi lang pang-love team sa pelikula o sa telebisyon, kundi pati in reality.

Kung sa bagay, hindi naman maitatago kung ang ‘something’ between Marlo and Janella ay totohanan na. Malalaman at malalaman din natin ang katotohanan.

Sa darating na Friday, premiere night ng pelikula nila with Jean Garcia, Richard Yap, Jessy Mendiola, and Enchong Dee na gagawin sa SM Megamall. Earlier sa araw na ‘yan, ang parade naman ng stars ng “Mano Po 7”.

Sa December 14 na mapanonood nationwide ang “Maagang Pamasko” ng Regal Films.

We will update you sa magiging route ng Parada ng mga Artista ng “Mano Po 7: Chinoy” before Friday.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING