Janella Salvador at Marlo Mortel, balik-tambalan sa “Mano Po 7”

ADVERTISING

Janella Salvador at Marlo Mortel, balik-tambalan sa “Mano Po 7”

Janella Salvador and Marlo Mortel
Janella Salvador and Marlo Mortel

Sa mga fans nina Janella Salvador at Marlo Mortel, dapat magsaya na sila sa muling pagtatambal ng dalawa sa pelikulang “Mano Po 7: Chinoy”, kung saan magiging buhay na naman ang career ng dalaga.

Is it true what we’ve heard na masaya ngayon ang management company ng dalaga, dahil balik- tambalan ang dalaga sa patok na patok na love team ng dalawa?

Yes, ang tambalang Janella-Marlo ang tambalang mas gusto ng sponsors (at ng DMV Poduction and Management)

Nakarating sa amin ang balita na hindi naging masaya ang outcome sa huling ka-love team ni Janella sa katauhan ni Elmo Magalona,  kahit nagkaroon man ang dalawa ng teleserye sa Kapamilya Network.

ADVERTISING

Parang pilit na inili-link ang dalawa para bumenta ang “love team” ng nina Elmo at Janella, pero ang gusto ng fans ng dalaga, si Marlo ang kapareha nito. Dahil ang totoo, si Elmo, magpahanggang ngayon, ay may exclusive romantic alliance sa girlfriend na si Janine Gutierrez na dapat tanggapin ng mga faney na dapat marunong silang ihiwalay ang totoong releasyon sa relasyong showbiz or love team na pang-showbiz lang, ‘ika nga.

Sa muling pagbabalik-tambalan nina Janella at Marlo, may bumulong sa amin na during shooting breaks ng dalawa sa set ng “Mano Po 7”, wala raw ginawa ang mga ito kundi ang magharutan.

Ang pelikula na obra ni Direk Joel Lamangan ay sana matapos na today (Friday) para makahabol sa deadline ng MMFF 2016. at kung suwerthin na mapili at mapabibilang ito sa official entries ng festival.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING