Janella Salvador at Elmo Magalona, may spark din ang bagong tambalan

ADVERTISING

Janella Salvador at Elmo Magalona, may spark din ang bagong tambalan

Janella Salvador & Elmo Magalona
Janella Salvador & Elmo Magalona

Noong una, parang walang chemistry ang bagong tambalan nina Elmo Magalona at  Janella Salvador sa bagong rom-com pangtelebisyon ng Kapamilya Network na “Born for You”, na magsisimula na sa darating na Lunes, June 20, pagkatapos ng “Dolce Amore”.

ADVERTISING

Pero kadalasan, ganu’n naman ang impresyon ng publiko lalo pa’t bago ang tambalan at ang nasa sa isip nila, si Janella ay para sa kay Marlo Mortel o kaya kay Jerome Ponce, at si Elmo Magalona naman ay para kay Janine Gutierrez lang na siyang girlfriend ng binata.

Pero pinatunayan ng dalawa na mali ang akala ng marami, dahil sa advance preview (buong 1 week episode ng show ay ipinalabas sa pili-piling invited guests na isinagawa sa Trinoma Cinema last Saturday), tama ang timpla ng Dreamscape Entertainment na pagsamahin ang dalawa.

“Noong una, akala ko wala silang dating sa akin, pero habang nagtatagal ay nagkakaroon ng spark ang tambalan nila,” kuwento ng kaibigang Ogie Diaz sa amin nu’ng pagkagaling nila ng Japan, kung saan nag-taping sila two months ago. Mahalaga ang lokasyon ng Japan sa kabuunan ng kuwento ng bagong serye.

ADVERTISING

Maging sa mga press people na nakapanood na sa unang linggo ng serye ay makapagpapatunay.

“Hindi lang siguro tayo sanay sa bagong love team nila, pero maganda silang tingnan at panoorin,” sabi ng kaibigang entertainment reporter-radio host na si Mildred Bacud.

Sa araw-araw na magkasama sila simula sa pre-production ng serye, tapings nila sa Japan na nag-food trip sila during taping breaks, imposible na hindi mabuo ang “chemistry” kina Elmo at Janella.

Habang nagmamasid ako sa dalawa last night habang iniinterbyu sila ng media, nabubuo na sa isipan ko ang “chemistry” na nasimulan nila. May kilig na ang tambalang Elmo-Janella Salvador.

Sabi nga nila, bigyan ng 2 to 3 more months ang dalawa, mahuhulog din sila sa bitag ng “pag-ibig” ‘pag nagkataon.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING