Janella, Enchong, Richard, Jean, at production crew ng “Mano Po 7”, inabot ng malakas na bagyo sa Taiwan

ADVERTISING

Janella, Enchong, Richard, Jean, at production crew ng “Mano Po 7”, inabot ng malakas na bagyo sa Taiwan

Enchong Dee, Janella Salvador, Richard Yap, And Jean Garcia
Enchong Dee, Janella Salvador, Richard Yap, And Jean Garcia

Habang isinusulat namin ang item na ito, nasa biyahe ang mga artista at production crew ng “Mano Po 7: Chinoy” na over the weekend ay nandu’n sa Taiwan para mag-shooting.

ADVERTISING

Binabayo sila ng malakas na ulan at hangin because of category 11 typhoon Megi (bagyong Helen sa Pilipinas) habang nasa loob ng sasakyan on their way to Taipei, kung saan nag-shoot sila sa Fo Guang Shan Buddha Museum na may malaking 108 feet na bronze Buddha sa tuktok ng museo at sa napakagandang Sun Moon Lake sa Nantou na puntahan ng mga turista.

Kasama sa Taiwan shooting sina Richard Yap, Jean Garcia, Janella Salvador, at Enchong Dee.

Sa text message ni Janella sa kanyang handler na si Beth Rivera ng DMV Entertainment bandang 11:32 kaninang umaga, “Super lakas ng ulan we’re on the bus right now. Nag-park na lang ang bus kasi nagsusway talaga kami because of the strong wind but we’re fine.”

ADVERTISING

Ayon kay Beth, huwag daw mag-alala ang supporters and fans ni Janella dahil nasa mabuting kalagayan ang dalaga at ang mga artistang kasama niya.

Umalis sila nu’ng Sunday, September 25 for 7:30 a.m. flight via Philippine Airlines. Bukas, Wednesday, nakatakda ang balik nina Janella and the rest of the cast via the 11:10 p.m. flight.

Sa darating na Sunday, may grand fans day si Janella kasama ng original ka-loveteam niya na si Marlo Mortel sa Fisher Mall at 5:00 p.m.

Kung sinasabi na nag-suffer ang career ng dalaga mula nang ihiwalay siya kay Marlo, this time, alam na ng management ng Star Magic at DMV ang gagawin nila para ang popularidad ni Janella ay hindi maaapektuhan.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING