Jane Oneiza, pinapa-force evic sa PBB dahil kay Kathryn Bernardo

ADVERTISING

Jane Oneiza, pinapa-force evic sa PBB dahil kay Kathryn Bernardo

Jane-OinezaAS EXPECTED ay kinuyog ng fans ni Kathryn Bernardo si Jane Oineza dahil sinabi nitong nagparetoke ng cheekbones ang favorite leading lady ni Daniel Padilla. Kawawa si Jane sa mga supporters ni Kathryn, todo lait ang mga tao sa kanya sa social media.

May isang Kathryn fan na nag-suggest ng forced eviction para kay Jane at iba pang housemates na kasama niyang nang magchikahan sila about Kathryn.

“Jane, Loisa and Nichole ang dapat sa kanila FORCED EVICTION! Isa pa yan si Jane! If shes true friend of Kathryn, she need to speak up. And protect her friend about allegation and issues! REALTALK: ang mga tao kasi ngaun, hnd masaya if nakikita nila ang ibang tao na masaya!,” say niya.

“wala nmang nabago kei kathryn eh! si jane nman bakit cia nagsabi ng ganun(isara ang pinto),” say pa ng isang maka-Kathryn.

ADVERTISING

Sinisisi rin si Jane kung bakit nagsabi pa siya ng “no comment” during the conversation.

“Ang no comment na sagot ay katumbas nayan ng oo kung c jane kaibigan tlga,dapat cnbi nya sa mga nag usisa sa kanya n wagnating pag usapan ang taong wala dto,dna nga maganda ung tanong sa knya about kath sasagot pa xa ng no comment, xempre no comment ibig sabihin meron?” pagtatanggol ng isang fan kay Kathryn.

 

NATAWA ANG source namin sa denial ni Deo Endrinal na hindi totoong nag-walkout si Coco Martin sa teleserye nila ni Kim Chiu. One reporter ng Dos got Deo’s side at hindi na kami nagtaka. Siyempre, being the PR of the show ay tungkulin niya ‘yon.

Hindi nagsisinungaling ang source namin kasi nandoon siya nang mag-walkout si Coco. At natawa na lang siya nang i-deny ni Deo na nagsu-shoot sila for three consecutive days.

Expected na rin namin ang denial ni Deo. Siyempre, production niya ang at stake, ‘no!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING