Jane Oineza at Loisa Andalio, pinagsasabong ng mga fans

ADVERTISING

Jane Oineza at Loisa Andalio, pinagsasabong ng mga fans

Jane-Oineza-Loisa-AndalioHINDI NAMIN alam kung sino ang dapat pagalitan o kung kaninong kampo ang may kasalanan kumbakit hanggang ngayon ay nag-aaway-away ang ilang respective fans nina Jane Oineza at Loisa Andalio.

ADVERTISING

At ang nakakalokah, pati magulang ng ilang PBB housemates, sumasali na rin sa usapan (tulad ng fadir ni Joshua Garcia). Talagang ‘pag may umapi sa anak nila, pinagtitiyagaan nilang sagutin.

Juice ko, eh kung ako naman sa kanila, ‘wag nang patol nang patol sa mga fans. Hindi patatalo sa kanila ang mga fans, lalo na kung ‘yun lang pagtatanggol sa kanilang idolo ang pinagkakaabalahan.

Normal lang ‘yan sa mga fans, kaya hayaan nang sila-sila na lang at ‘wag nang sumali ang mga magulang at mag-concentrate na lang sa pag-build up sa kanilang anak kesa maudlot pa ang career ng mga bata.

ADVERTISING

Tulad ngayong palabas na ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita (weekdays at 3.15pm), kung saan patuloy pa ring nagbabanggaan ang ilang fans sa social media kung gaano kagagaling ang kanilang idol habang inookray naman nila ang karibal nito.

Bigla namin tuloy naalala ‘yung dating inookray ng mga fans si Liza Soberano. I always tell Liza na ‘wag siyang papatol sa mga bashers at mag-concentrate na lamang sa kanyang pag-arte.

Pero malay naman natin kung somehow ay makatulong ang awayang ito para lalo pang paigtingin ang rivalry nina Loisa at Jane.

Palagay n’yo?

 

HINDI PALA puwedeng gamitin for online show ang Fam Cam ng PLDT, dahil pampamilya lamang pala ito.

Ang galing ng nakaisip nito, in fairness. Bawas pang-aapi ng mga yayang masusungit sa kanilang alaga, dahil meron nang CCTV na may built-in microphone and speaker for 2-way communication.

Kung wala ang mga magulang, basta may wifi, puwedeng kausapin ni mommy ang anak while playing with the yaya.

Kaya nga nu’ng in-introduce sa amin ito ni Gary Dujali ng PLDT, na-excite kami, dahil oo nga naman, mamo-monitor na ng mga magulang ang kanilang anak sa halagang P99/mo or P499/mo lang.

Kahit malayo si mommy o si daddy, parang kasama pa rin sila ni bunso na nasa bahay.

Kaya kokontakin ko na agad ang PLDT nang makapagpakabit na.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING