Jane Oineza, lilipat na nga ba sa Kapuso network?

ADVERTISING
Jane Oineza, lilipat na nga ba sa Kapuso network?
Jane Oineza

DUMARAMI ang mga Kapamilya stars na lumilipat na sa GMA-7. Una na si Carmina Villaroel na ngayon ay nasa Super Ma’am ni Marian Rivera. Sumunod ang hot newscaster/journalist na si Atom Araullo. Ipapalabas na rin ang unang sabak ni Matt Evans bilang isang ganap na Kapuso sa pamamagitan ng Saturday OFW show na Tadhana.

May ilang pages ngayon na nagsasabi na ang next in line daw na magandang aktres na mag-o-ober da bakod ay walang iba kundi si Jane Oineza.

ADVERTISING

Nag-umpisa bilang childstar sa Kapamilya network si Jane at bumalik ang interes ng publiko sa kanya nang sumali siya sa Pinoy Big Brother years ago, kung saan nabuo ang tambalan nila ni Joshua Garcia a.k.a. JOSHANE. Nagsama ang dalawa sa afternoon series na “Nasaan ka ng Kailangan Kita?”.

Nang matapos ang serye, ang naging tanong ng marami ay “Nasaan na si Jane Oineza?”

Marami ang nagsasabi na si Jane ang isusunod na papasikatin bilang leading lady sa ABS-CBN, pero hanggang ngayon ay wala pa kaming naririnig na solid plan for her.

ADVERTISING

Noong July ay ipinalabas ang kanyang super delayed barkada thriller movie na Bloody Crayons, kung saan nag-stand out ang kanyang karakter bilang Olivia.

Siya rin ang pinili ng Regal Films para magbida sa Haunted Forest with fellow Kapamilya stars na sina Jameson Blake, Maris Racal and Jon Lucas.

Sa Twitter ay hindi klaro kung confirmation o denial ba ang tsismis na lilipat ito:

“Check first if the source is legit before believing any news :)” tweet ng dalaga.

Well, kung wala rin naman talagang plano ang ABS-CBN para sa kanya, she’s free to move to a network where she’ll truly belong dahil deserve naman niya talagang mapansin at bigyan ng bonggang projects, noh!

ADVERTISING