Jane Oineza, kailangang alagaan ng ABS-CBN!

ADVERTISING
Jane Oineza, kailangang alagaan ng ABS-CBN!
Jane Oineza

MATAGAL-TAGAL din nawala sa sirkulasyon si Jane Oineza.

Pagkatapos ng kanyang pagbida sa panghapong serye ng ABS-CBN na “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita”. Akala ng karamihan noon ay isa na siya sa ipupush ng Dos sa full stardom after ng transformations nina Kathryn Bernardo at Julia Barretto from child stars to promising leading ladies.

Pagkatapos ng nasabing proyekto ay hindi na nabigyan pa ng regular show si Jane. After her Pinoy Big Brother stint ay inatasan siya agad na magbida sa movie adaptation ng nobelang Bloody Crayons. Sa dami ng aberya sa pelikula ay na-move pa ito to the point na akala ng mga fans ay tuluyan nang na-shelved ang project.

Ngayong Miyerkules (July 12) ay masasaksihan na ng mga Pinoy ang much-awaited barkada thriller film na ‘Bloody Crayons’. Jane Oineza plays the role of Olivia, na super close kay Eunice (Janella Salvador). May itinatago rin itong lihim. Siya kaya ang mystery killer?

Sa isang recent interview ay na-confirm na in a relationship na ngayon si Jane Oineza with another PBB ex-housemate na si Kyle Secades. Itinanggi naman ng dalaga na inuna niya ang love life over her showbiz career. Hoping din ito na after Bloody Crayons ay magtuloy-tuloy na ang kanyang TV and movie projects.

ADVERTISING

Sa mga kasabayan ni Jane sa showbiz ay siya ang may edge. She can stand on her own without a loveteam and curious din kami kung fierce ba ito kapag bigyan ng upbeat bida-kontrabida role like Julia Montes? Sana ay alagaan siya ng ABS-CBN dahil sayang naman kung hindi nila karirin ang karir ni Jane. 

O baka maisipan pa nitong lumipat ng network. Abangan na lang natin!

ADVERTISING