Jane Oineza at Joshua Garcia, lumalalim ang closeness

Jane Oineza at Joshua Garcia, lumalalim ang closeness

Jane-OinezaISA SA mga positibong love team na nasasaksihan namin sa showbiz ay ang tambalan ng dalawang baguhan na sina Joshua Garcia at Jane Oineza. Nagsimula ang magandang samahan sa loob ng bahay ni Kuya sa PBB All-In, na naitawid ng dalawa nang maayos hanggang sa makalabas sila.

Kaya nga hindi mo masisisi ang dalawa kung na-transcend na nila ang “love team” feelings nila into something “real” at hindi lang pang-showbiz.

Tulad nang naisulat na rin namin noon, ilang insidente na ring nakikitaan ang dalawa (lalo na ang mga unguarded moments nila without any camera or hindi showbiz), close talaga sila.

Once nga sa acting workshop nila para sa paghahanda ng teleserye na pagsasamahan nila sa Kapamilya Network, naibalita na rin namin kung gaano na ka-close ang dalawa. Si Jane, pinunasan ang pawis sa noo ni Joshua at ang binata naman, inaalalayan si Jane at hawak-hawak ang maliit na pet bottle ng baon na drinking water habang iniinom ito ng dalaga.

Recently, sa trade show para sa mga sponsors at advertisers, kasama ng dalawa ang ibang stars sa first teleserye nilang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na mag-airing sa first quarter of 2015, nagkaroon ng kantiyawan sa loob ng dressing room.

Ka-share man nila ang ibang mga artista, napansin ng source namin na tila ang kamay ng dalaga ay nasa kanang balikat ng binata. “Para niya itong tinatapik na parang pinipindot. Baka naglambing si Josh na masahihin ang right shoulder niya while they were waiting for their call. The previous night kasi super rehearsal sila sa production number nila para sa trade show,” kuwento ng isang insider sa amin.

Dagdag ng source namin sa nasaksihang eksena, “Ang interpretasyon ko du’n na huwag sanang bigyan ng malisya, close na sila. Pero cute ‘yong reaksyon ni Jane nang magkantiyawan ang mga kasama nila sa loob ng dressing room.”

Kung ano ang reaskyon ni Jane, alamin next week.

Reyted K
By RK VillaCorta