Jane Oineza at Joshua Garcia, ginastusan ng fans

ADVERTISING

Jane Oineza at Joshua Garcia, ginastusan ng fans

Jane-Oineza-Joshua-GarciaMAS MODERN na ang fans ngayon. Hindi lang sila tumitili to prove ang suporta nila sa kanilang idols. Mas agresibo na sila kumpara sa mga tagahanga noon na naabutan namin na ang mga Guy (Nora Aunor) and Pip (Tirso Cruz III); Vi (Vilma Santos) and Bot (Edgar Mortiz) or maging ang fans noon nina Lala (Maribel) Aunor at Arnold Gamboa na ang gastos ay minimal lang na basta may pera pambili ng sampaguita na isasabit nila sa kanilang idol kapag may show sa radyo, o ‘di kaya’y makabili lang ng litrato black and white na ibinibenta along Quezon Blvd. sa Quiapo, ay ayos na.

Pero ang fans ngayon, iba na. Maluho na sila. Keri nilang gumastos nang malaki para sa idol nila. ‘Yong iba, sila pa ang nagreregalo ng kung anu-ano para sa mga hinahangaan nila.

Kung ang ibang fans and supporters ng mga artista natin ngayon ay okey na as a sign of support ay panoorin ang teleserye ng idol nila o ‘di kaya’y manonood ng sine na ang cost ngayon ay almost P200 na, ang ilan, lalo na ang fans nina Jane Oineza at Joshua Garcia, ibahin mo.

Sa isang event na naimbitahan kami last Sunday, impressed kami sa ginawa ng mga JOSHANE supporters. They spend almost P150-P200 thousand para lang sa buffet dinner and venue na ginawa sa Sulo Hotel.

ADVERTISING

Take note, it’s not just one of those events dahil nang ikutan namin ang buffet table (dalawang set) naloka kami sa almost 6 entrees at ang fabulous deserts na nakalatag.

Ang ganda ng konsepto ng JOSHANE TEAM dahil nag-hire pa sila ng event organizer to handle the event para maging maganda at walang hitches.

Ang theme ng event was in blue na siya namang color ng décor at ang suot ng fans nina Jane at Joshua na isa sa may pinakamalaking following na nabuo ng dalawa ay naging instant love team sa PBB All-In.

Sa totoo lang, sweet ang dalawa. Hindi ko nga alam kung nanliligaw na ang binata na tubong-Bauan, Batangas sa dalaga.

Pero nang uriratin namin si Joshua on our way out sa event venue, isa lang ang sinabi niya sa amin: “Maganda po si Jane. It’s easy for any guy na magustuhan siya. I like her. Sana ‘yong nasimulan namin sa loob ng Bahay ni Kuya, hindi lang pang-PBB. Sana matuloy na totohanan na,” sabi niya sa amin habang ang dalaga naman ay napapangiti lang.

By the way, sa fans ng dalawa, abangan sila sa nalalapit na teleserye ng Kapamilya Network, ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, kung saan makakasama ng dalawa sina Vina Morales, Denise Laurel and Jerome Ponce.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING