Jane de Leon tuluyan nang nilayasan ang FPJ’s Ang Probinsyano; paglipad bilang Darna, inaabangan na

TULUYAN nang nilayasan ng Kapamilya actress na si Jane de Leon ang FPJ’s Ang Probinsyano noong Biyernes, August 20.

Three weeks ago ay lumabas ang balita na nakatakda na ang paglisan ng aktres sa programang pinagbibidahan ni Coco Martin dahil sa wakas ay binigyan na ng go-signal ang kanyang paglipad bilang Darna ng bagong henerasyon.

Jane de Leon tuluyan nang nilayasan ang FPJ's Ang Probinsyano; paglipad bilang Darna, inaabangan na
Jane de Leon and Coco Martin in FPJ’s Ang Probinsyano

Sa kanyang walong buwan sa nasabing programa ay natutunan na ng Kapamilya viewers na mahalin ang kanyang karakter bilang si Lia. Dahil sa FPJ’s Ang Probinsyano ay mas nakita ng mga tao kung ano ang kanyang kakayahan pagdating sa drama at sa mga action scenes. Ika nga, naging magandang exposure ito para mas makilala siya ng madlang pipol at mas mahasa pa ang kanyang talento.

Unlike Bela Padilla and Yassi Pressman na naging madugo ang pag-exit sa programa, literal na nilisan lamang ni Lia ang Pilipinas para mag-umpisa ng bagong yugto sa kanyang buhay.

Sa kanyang Instagram account ay nagpost ng isang mahabang mensahe ng pasasalamat si Jane.

“Nagpapasalamat po ako unang-una kay Lord, sa Dreamscape Family, ABS-CBN Management and Bosses for giving me the opportunity na mapabilang sa Primetime Seryeng [‘FPJ’s Ang Probinsyano’],”

“Sa buong cast and Production, Lalong-lalo na kay Direk Coco Martin for being so supportive sa pag-alalay sa bawat eksenang gagawin ko,”

“Thank you for the warm welcome. Sobrang dami ko pong natutunan at sa mga eksenang dito ko lang po nagawa. It was worth the experience.”

Nagpasalamat din ito sa mga nakasama tulad nina Michael de Mesa, Joel Torre, Jaime Fabregas, Angel Aquino, Cristina Gonzalez, Christian Vasquez at John Prats.

Jane de Leon tuluyan nang nilayasan ang FPJ's Ang Probinsyano; paglipad bilang Darna, inaabangan na
Jane de Leon

“Syempre po, sa aking Team Jane mahal ko kayo! At sa lahat na walang sawang nanuod sumubaybay sa ‘FPJ-AP’ gabi gabi at kay Capt. Lia Mante, MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG SUPORTA. Hanggang sa muli!” she said. “THIS IS CAPT. LIA MANTE – SIGNING OFF.”

Sa Lunes ay nakatakda naman ang pagpasok ni Julia Montes bilang Mara, ang huling babae sa buhay ni Cardo… in reel and in real! He-he-he!

As early as now ay inaabangan na namin ang muling paglipad ni Darna sa katauhan ni Jane de Leon. SA WAKAS!!!