Jane de Leon excited na sa pagsisimula ng Darna series

Leo Bukas

AYON kay Jane de Leon, hindi niya masyadong dinibdib noon ang balitang postponed indefinitely ang pelikulang Darna na pagbibidahan niya.

“Nung nag-Zoom meeting kami nila Inang (Olivia Lamasan), nila Ma’am Charo (Santos-Concio), Tita Cory (Vidanes), and Tita Malou (Santos), and parang nasabi ko may nararamdaman ako dito, ah. And yon yung mga kasagsagan pa lang na mawawala yung franchise ng ABS-CBN.

Jane de Leon excited na sa  pagsisimula ng Darna series
Jane de Leon

“And sinabi nga nila na baka hindi na nga matuloy yung movie if ever, hindi pa naman sure. Actually, hindi nila alam kung paano nila sasabihin sa akin, eh. Pero nung time na yon sobrang positive lang ako and sinabi ko sa kanila na, ‘Sige po. Okay lang naman sa akin.’

“May mga araw naman na bibigyan tayo ng blessings ni Lord. Hindi natin alam baka bumalik ulit ang ABS-CBN and sobrang nagulat sila kasi akala nila iiyak ako. Pero nung buong time na nasa Zoom meeting kami naka-smile lang talaga ako and sinabi ko na huwag kami mawawalan ng pag-asa kahit din sa proyekto na binigay sa akin, hindi ako nawalan ng pag-asa,” pahayag ni Jane sa ginanap na virtual presscon ng ABS-CBN.

Kaya nung nalaman niyang matutuloy na rin ang Darna at magiging TV series na ito ay sobrang saya raw ang kanyang naramdaman.

“I’m really happy at least natuloy. Siyempre may mga fans din ng Darna na nag-aabang pa din dito, lalo na yung mga bata. Yon yung iniisip ko talaga kaya sobrang excited ako na i-share yun sa kanila at ipalabas yung magiging bagong Darna na modern naman.

“Ngayon winu-work out na yun ng management (yung casting) pero siyempre for now bawal ko pa sabihin, abangan na lang nating lahat. Hindi ko pa talaga alam kung sino pero may mga naririnig ako,” balita niya.

Nagbigay din ng reaksyon si Jane sa pag-alis noon ni Jerrold Tarog bilang director ng Darna.

Jane de Leon excited na sa  pagsisimula ng Darna series
Jane de Leon

“Sobrang love na love ko yan si Direk Jerrold.  I cried talaga and I really do understand kasi di ba dapat May na yung showing ng movie ng Darna, if ever May 21. Pero kasi ngayon meron ng nakalaan na proyekto after Darna and ito yung oras na yun for him to do that movie.

“Yes, kailangan ko siya suportahan. Pero iba si Direk Jerrold. Direk, alam mong mahal na mahal kita. Direk Jerrold sobrang mahal na mahal talaga kita and yung suporta na binibigay niya sa akin and yung tiwala, kasi lagi kong sinasabi sa kanya, ‘Direk, bakit ba ako yung pinili mo?’ Lagi kong sinasabi sa kanya yun, eh.

“Ano bang meron sa akin? And lagi niya sa akin sinasabi, ‘Basta pagkatiwalaan mo ako sa desisyon ko, sa desisyon ng management.’ He’s like my brother. I can share everything sa kanya, mapa personal na buhay yan, trabaho, and sobrang thankful ako kay Lord na nakilala ko si Direk Jerrold. Napakabait na director,” deklara pa ni Jane na napapanood na rin ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano.