Jana Agoncillo, naiyak sa presscon ng teleserye

ADVERTISING

Jana Agoncillo, naiyak sa presscon ng teleserye

Jana-Agoncillo-Beauty-GonzalesUMIYAK SA mismong presscon ng pinakabagong serye ng ABS-CBN na Ningning ang child star na si Jana Agoncillo.
Natanong kasi ito kung sino ba ang better dad between Zanjoe Marudo na naging daddy niya sa Dream Dad at Ketchup Eusebio na daddy naman niya sa Ningning na sinagot nito na si Ketchup.
At nang mag-follow-up question na kung bakit si Ketchup ang pinili niya, wala itong masagot at bigla na lamang naiyak. Mabuti na lang at kaagad na tumahan ito at nagpatuloy ang presscon.
Kaya naman nang muli itong natanong kung nagagawa pa ba nitong maglaro, masaya nitong sinagot na ‘oo’, at ang larong kanyang ginagawa ay ang lutu-lutuan, at kapag nasa set naman daw siya ay naglalaro sila ng “Lavinia” ni Ketchup.

Magsisimulang mapanood ang Ningning sa July 27, 2015 kapalit ng Oh My G at mula sa mahusay na direksiyon ni Jeffrey Jeturian.

Jason-FernandezJason Fernandez, walang inggit sa mga kapanabayan na nagso-solo concert na

WALA RAW inggit na nararamdaman ang Voice Of The Philippines Season 2 alumni at MyPhone ambassador na si Jason Fernandez sa ibang singers na nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng sariling concert.
Tsika nga ng former member ng Rivermaya na alam niyang darating din ang tamang panahon para mag-concert siya. Ayaw naman daw nitong madaliin ang pagko-concert, gusto raw niyang handang-handa na siya.
Sa ngayon daw ay busy si Jason sa kanyang every Sunday stint sa ASAP at sa kanyang mga mall, fiesta at provincial shows.

ADVERTISING

Darren-Espanto-Thor-DulayThor Dulay, tagumpay ang concert

NAGING MATAGUMPAY ang katatapos na konsiyerto ng Soul King na si Thor Dulay na ginanap last July 17, 2015 sa Music Museum, ang “Soulful Concert 2015 ” na hatid ng Aqueous Events Management ni Sir Vince Jeremiah Abasolo at Sir David Cabawatan.
Isa sa pinalakpakan nang husto ay ang duet nila ng Voice Kids na si Darren Espanto. Bukod kay Darren, applauded din ang bawat production number ni Thor at ng iba pa nitong guests like KZ Tandingan at Liezel Garcia.
Nagpapasalamat nga si Thor sa Aqueous Events Management (Sir Vince  Jeremiah Abasolo at sir David Cabawatan) sa tiwalang ibinigay sa kanya at sa kanyang home studio na ABS-CBN sa suportang ibinigay sa kanyang concert.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING