Jamich, isinusulong na gawing National Artist?

ADVERTISING

Jamich, isinusulong na gawing National Artist?

JamichPATULAN KO lang nang slight itong ibang fans ng YouTube sensational loveteam na Jamich.

ADVERTISING

Me nagsusulong kasi na gawing National Artist ang Jamich, dahil daw sa nai-contribute ng loveteam sa sining at sa mga kabataan.

Utang na loob. Kamamatay lang ni Jam Sebastian, huwag n’yong i-trigger ang mga netizens na sa gitna ng pagdadalamhati ng mga naulila ni Jam ay ma-bash ‘yung Jamich at ‘yung pagka-jejemon ng ilan (ilan lang naman).

Mas matutuwa ang Jamich lalo na si Jam kung mag-aaral kayong mabuti at hindi n’yo bibiguin ang inyong mga parents na maka-graduate kayo.

ADVERTISING

Isipin din natin na si Nora Aunor at ang namayapang si Dolphy ay nakatengga pa rin ang papel para pirmahan ni PNoy para maging National Artist, nakakahiya naman sa kanila, ‘di ba?

Sila muna ang ipag-pray n’yong mabigyan ng tatak-National Artist bago ang Jamich.

Pahinga muna natin ‘yang idea na ‘yan, ha?

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING