Jameson Blake, naapektuhan sa social media ‘shoutout’ fiasco

ADVERTISING

Jameson Blake, naapektuhan sa social media 'shoutout' fiasco

Jameson Blake, naapektuhan sa social media 'shoutout' fiasco
Jameson Blake

AMINADO ang guwapong si Jameson Blake na naapektuhan siya ng mga bashing sa social media sa isang posting niya almost a month ago kung saan naghahanap siya ng magde-design ng kanyang banner-logo for his socmed account na ang kapalit ay isang shoutout mula sa binata.

ADVERTISING

Madami ang nagreact. Nainsulto ang ilang mga graphic designers na “gratis” lang ang kanilang gagawin.

Na-bashed si Jameson na abot hanggang sukdulan ang panglalait ng iba sa kanya.

Dahil sa pangyayari, aminado a ng aktor ng pelikulang “Ang Babaeng Allergic sa Wifi” (Graded A ng CEB) na nasaktan siya.

ADVERTISING

“I was hurt” sabi nito sa amin after the open forum during the presscon.

“I was misunderstood. Pero tapos na po yun,” paliwanag niya na naka-smile pa rin showing off his dimples.

“For a while, for almost a month I was inactive in Instagram,” kung saan doon nagsimula ang lahat.

Sa katunayan, nagkaroon ng misunderstanding mula sa panig ng mga bashers na hindi nagustuhan ang panawagan ni Jameson who plays Aries in the film na hindi nakuha ang mensahe ng aktor.

Now, oks na si Jameson. Ok na ang lahat para sa binata.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING