Jameson Blake at Joao Constancia, bida sa BL digital movie na ‘My Lockdown Romance’

ADVERTISING

BOY LOVE or BL series and movies are everywhere. Ito ang pinakaobvious na trend na nag-umpisa simula nang i-implement ang Enhanced Community Quarantine sa bansa. Dahil na rin siguro sa inpluwensya ng Thai BL series na talagang tumatak sa puso ng mga manonood, nabigyan din ng pagkakataon ang mga kababayan nating filmmakers na i-explore ang genre wholeheartedly. May mga okay, may mga bongga at meron din naman bokya.

Ang latest BL movie na mapapanood natin this week ay ang ‘My Lockdown Romance‘ na pinagbibidahan ng Kapamilya cutie pies na sina Jameson Blake at Joao Constancia. Intriguing ang combination, ‘di ba?

ADVERTISING
Jameson Blake at Joao Constancia, bida sa BL digital movie na 'My Lockdown Romance'
Jameson Blake and Joao Constancia in ‘My Lockdown Romance’

Hindi na bago si Jameson Blake sa proyekto na may LGBT angle. Sa katunayan, ang kanyang breakthrough role sa movie ay ang ‘2 Cool 2 Be 4gotten’, kung saan nanalo ito ng Best Supporting Actor sa 2016 Cinema One Originals Film Festival. Simula noon ay dumagsa na ang indie and mainstream movie offers sa kanya. Maging sa telebisyon ay naging paboritong leading man o kontrabida siya.

On the other hand, mas kilala bilang miyembro ng BoyBandPH at ex-boyfriend ni Sue Ramirez si Joao Constancia. Lumabas na rin ito sa ilang supporting TV and movie roles sa poder ng Dos. Ito ang first time niya na siya mismo ang lead at nakakatuwa na kahit na ito’y BL project ay tinanggap niya.

Ang ‘My Lockdown Romance’ ay kuwento ng dalawang college friends na nag-reconnect pagkatapos ‘i-ghost’ ng karakter ni Kendrick (Joao Constancia) si Tom (Jameson Blake). Sa kanilang muling pagkikita (physically o virtually?), may mabuo na kayang romantic relationship sa pagitan nila? May ‘ghosting’ na naman ba na magaganap na mukhang usong-uso ngayon?

ADVERTISING

Panoorin ang trailer ng ‘My Lockdown Romance’:

Directed by Bobby Bonifacio Jr., “My Lockdown Romance,” which also stars Gab Pangilinan, will be streaming worldwide beginning November 13 for only P150.

It is Star Cinema’s latest offering on Cinexpress, a viewing service for newly produced films, accessible on multiple channels: KTX.ph, iWant TFC, IPTV, Cignal PPV, and SkyCable PPV.

ADVERTISING