Jameson Blake at Charlie Dizon magtatambal sa ‘My Sunset Girl’

MUKHANG magtutuloy-tuloy na ang pag-build up ng Kapamilya network sa tambalan nina Jameson Blake at Charlie Dizon.

Unang nasilayan ng madlang pipol ang dalawa sa Four Sisters Before the Wedding. Nakatakda rin nilang gawin ang upcoming suspense-drama na Viral sa Kapamilya Network kung saan makakasama rin nila sina Joshua Garcia, Dimples Romana, Jake Cuenca at marami pang iba.

Jameson Blake at Charlie Dizon magtatambal sa ‘My Sunset Girl’
Jameson Blake and Charlie Dizon

Habang wala pang balita kung nagti-taping na ba sila para rito o kung ito ay tuloy pa ba, sa IWant muna magpapakilig ang dalawang promising homegrown talents ng Dos.

Mapapanood na simula July 14 sa IWant ang romantic drama series na ‘My Sunset Girl’. Kuwento ito ni Ciara (Charlie Dizon), isang free-spirited lady na nakakulong lang sa bahay dahil sa kanyang sakit na  xeroderma pigmentosum, isang bihirang sakit sa balat na kung ma-expose sila sa ilalim ng araw ng matagal ay maaari nila itong ikamatay.

Dahil sa kanyang kondisyon, nakikipagkaibigan na lamang ito sa pamamagitan ng internet. Dito ay makikilala niya ang isang misteryosong binata na si Lucas, isang binata na nangako na tutulungan niya si Ciara na tuparin ang kanyang travel goals na nakalista sa kanyang bucketlist.

 

Ito ang catch: May hidden motive si Lucas! Sinadya nitong paibigin si Ciara dahil na rin sa plano ng kanyang ama (Joem Bascon) na gustong makuha ang kayamanan ng pamilya ni Ciara.

Based on the trailer, mukhang si Lucas ay mahuhulog ng tuluyan kay Ciara.

Kung mahilig kayo sa mga pelikula na romantic pero nakakaiyak sa huli, give My Sunset Girl a try!