Jameson Blake, aminadong nasaktan sa pagtira ng ELNELLA fans sa kanya!

ADVERTISING

Jameson Blake, aminadong nasaktan sa pagtira ng ELNELLA fans sa kanya!

Jameson Blake, aminadong nasaktan sa pagtira ng ELNELLA fans sa kanya!
Jameson Blake and Janella Salvador

KAWAWA naman si Jameson Blake sa mga bashing ng ilang mga makikitid-utak na mga ElNella fans nina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Mula nang magsimula gawin ng  dalawa (Janella at Jameson) ang pelikulang “So Connected” ng Regal Entertainment ay bina-bash na siya ng ilan which is unfair sa binata or even kay Janella na gusto din mag-level up or i-level up ang showbiz career na kung ano man meron sila ni Elmo personally and romantically, walang kinalaman si Jameson sa “relasyon” ng dalawa.

Dapat nga matuwa ang mga fans ng dalaga dahil pinapatunayan lang nito that she’s an actress na walang limitasyon sa kanyang career who can work with other leading men para patunayan ang versatility niya.

During the presscon of So Connected directed by Jason Paul Laxamana (showing on May 23), naikuwento ni Jameson sa media na nasaktan siya sa bashing sa kanya, Accusing him na “mangagamit” na si Janella ay ginawa niyang stepping stone para mapansin at makilala.

ADVERTISING

“I was hurt,” pahayag ng aktor na for me personally, hindi tama. Hindi dapat.

Jameson Blake, aminadong nasaktan sa pagtira ng ELNELLA fans sa kanya!
SO CONNECTED Official Movie Poster

Sa ganang akin, pwede magsama ang isang lalaking artista at isang babaeng artista sa isang  romantic film na hindi kailangan maging romantically involved tulad sa kaso nina Janella at Jameson na ang galing ng mga artista at ganda ng istorya ang susuportahan ng publiko at hindi lang dahil sila ang magka-loveteam.

Sa katunayan, si Elmo na identified kay Janella ay iba ang kaparerha sa youth oriented movie ni Direk Jose Javier Reyes na Walwal na sa June na ang showing na patutunayan niya sa publiko na hindi lang siya pang-Janella project.

Jameson Blake, aminadong nasaktan sa pagtira ng ELNELLA fans sa kanya!
Direk Jason Paul Laxamana with the stars of ‘So Connected’

Ang mga artista, they should also grow para mas magtatagal sila sa showbiz.

Para sa ilang mga ELNELLA fans na hindi nakakaintindi at minamadali ang ending ng mga careers ng mga idols nila ay dapat sumabay sila sa mga challenges na dumarating sa mga artista na sinusuportahan nila.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING