James Yap, tuluyan nang inilantad ang Italian GF

ADVERTISING

James Yap, tuluyan nang inilantad ang Italian GF

James Yap, tuluyan nang inilantad ang Italian GFNABULABOG NA naman ang social media nang muling mag-post si James ng larawan kasama ang babaeng blondie na nakasama rin niya sa isang litrato sa bakasyon nito sa Europe dati. Sa bagong post nito sa Instagram, kitang-kita sa bagong larawan ang pagiging sweet nila. Ang tangi nitong caption ay ‘1.’

ADVERTISING

Sa panayam naman sa basketbolista sa TV Patrol last Monday, July 22, inamin na niyang isang taon na sila ng Italyanang girlfriend na si Michaela Acazzolla.

Nagtatrabaho raw ito sa Asian Development Bank (ADB) bilang secretariat specialist. ‘Barbie doll’ daw ang tawag ng mga kasamahan nito sa ADB dahil daw sa tindig nito at ganda.

Sa iba pang Instagram posts ni James, makikitang nakakasama niya ang girlfriend sa kanilang family dinner. Ayon pa kay James, “Oo, very ano siya, support (supportive), talagang support all the way. Masaya kami, ang masasabi ko lang ‘yung masaya kami.”

ADVERTISING

Kung hindi naman madiskaril at magkasaraduhan ng deal, maaring mag-artista na si James sa isang sitcom sa TV5. Sa panayam kay Ryan Agoncillo ng Aksyon last Friday, July 19, sinabi nitong pagkatapos ng Talentadong Pinoy ay magiging abala naman siya sa isang bagong show.

At dito ay sinabi niyang ‘in the works’ na raw ang naturang programa. Saad niya, “It’s in the works. A, of course James’ name is floating, I hope he says yes to our proposal.”

May pinaplano naman daw film project ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde kay James.

Good luck na lang, Papa James sa buhay pag-ibig mo at sana matuloy ang pagiging artista mo.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING