James Yap-Isabel Oli affair, exposed by Baby James!

ADVERTISING

James Yap-Isabel Oli affair, exposed by Baby James!MAY MGA KOMENTONG nakarating sa akin tungkol sa pagdamay ni Kris Aquino sa anak niyang si Bimby sa isyu kina James Yap at Isabel Oli. Napanood n’yo naman sa Startalk ang interview ni Ricky Lo sa mag-ina na parang alam ni Bimby na si Isabel ang girlfriend ng Papa niya.

Paano naman daw nalaman ng bata ‘yon kung hindi naririnig sa paligid niya o naituro sa kanya?

ADVERTISING

Nagtataka rin nga si Isabel kung bakit nakilala siya ni Bimby at nasabing girlfriend ito ni James, gayung wala raw talaga itong katotohanan. Consistent din si James sa pagsasabing magkaibigan lang talaga sila ni Isabel.

Nu’ng pinanood naman namin ang interview ni Isabel sa Showbiz Central, mukha namang nagsasabi siya ng totoo na wala talagang namamagitan sa kanila ni James.

Ayaw na lang ngang patulan ni James ang isyung ‘yan dahil wala raw talagang katotohanan. Kaya nga naapektuhan na raw ang friendship nila ni Isabel dahil naiintriga na silang dalawa.

ADVERTISING

Ayaw na ring mag-comment ni Kris, kaya lang, ito namang anak niyang si Bimby ang nagsasalita.

Sabi naman ni Kris, okay na sila ni James bilang magkaibigan, at sa totoo lang, maayos na nga raw nilang napagkasunduan ang hatian ng properties at nilinaw naman nito na hindi naman daw pag-iinteresan ni James ang dapat ay para sa anak nila.

In fairness naman kay James, noon pa niya sinasabing wala siyang ganoong balak at hindi raw pera ang habol niya kay Kris.

Sa Biyernes ay magkakaroon uli sila ng hearing at magkikita na naman ang dating mag-asawa. Update na lang natin kung ano na ang kahihinatnan ng kanilang annulment case.

NA-FINALIZE NA rin ang line-up ng Temptation Island na iri-remake ng Regal at GMA Films. Nag-pictorial na sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Solenn Heussaff, at Lovi Poe nung Linggo para sa Preview magazine.

Muntik na ngang nag-backout si Heart, pero nabago ang desisyon niya dahil nagkasundo na raw sila sa ilang sexy scenes na gagawin sa pelikula. Malapit na raw silang magsimula, at ewan ko lang kung paano nila mapapagkasundo ang schedule dahil busy lahat ang mga artistang involved.

Sa Ilocos daw ang shooting nito, kaya maraming schedule ang maisasakripisyo.

Si Marian ang isa sa pinaka-excited sa project dahil type na type niya ang role na gagampanan. Medyo sexy rin daw siya rito, pero aliw daw siya sa role niya na may pagkakikay.

Talagang isisingit daw niya sa schedule itong shooting ng Temptation Island, kahit abala rin siya sa taping ng Amaya at sisimulan na rin niya ang Panday 2 kasama si Sen. Bong Revilla.

James Yap-Isabel Oli affair, exposed by Baby James! Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING