James Yap is courting both Isabel Oli and Marie Digby?!

ADVERTISING

 

 James Yap is courting both Isabel Oli and Marie Digby?!

ADVERTISING

 

 James Yap is courting both Isabel Oli and Marie Digby?! TINATANONG SA AMIN sa Twitter kung sina James Yap at Isabel Oli na, dahil kahapon, Sunday, patungo raw silang Cebu.

I’m sure, me dadalawin sila roon.

ADVERTISING

Pero itong next item ko ay hindi galing sa Twitter, kundi galing sa isa naming friend.

Gaano katotoo na pinopormahan ni James Yap ang ex-girlfriend ni Sam Milby na si Marie Digby?

Nagpapahiwatig daw itong si James thru text at chat on Facebook kay Marie. Ine-entertain naman daw ni Marie, pero hindi pa nahuhulog ang loob nito sa ex-husband ni Kris Aquino.

Gusto naming isiping nakikipagkaibigan lang si James kay Marie. Pero kung totoo ito, isa itong naka-lilitong eksena.

Kaya ang tanong: Sino ba talaga, James?

 

ILANG TWITTER FOLLOWERS ang nagtanong sa akin kung gaano katotoo ‘yung balita na sinuntok ni John Estrada sa mukha ang beteranong floor director ng Happy, Yipee, Yehey! na si Alex Magbanua last Thursday, May 26, 2011.

Hinusgahan agad si John nang hindi man lang nakukuha ang panig ng TV host-actor. Nag-bbm ako kay John. “Hindi ko sinuntok, mare! Ikukuwento ko sa ‘yo bukas. Kukunan lang ang eksena ko,” sa Minsan Lang Kita Iibigin.

Ang ginawa ko, tinawagan ko ang isang production staff para linawin ang isyung ito.

“No, hindi sinuntok ni John. Ganito ang kuwento no’n,” si-mula ng source ko, “Nakarating kay John sa dressing room na itong si Alex, pinagalitan ‘yung mga matatandang tumayo sa upuan nila sa audience gallery para umihi.

“Siyempre, mga senior citizens na ‘yan, ‘di ba? ‘Pag naiihi sila, hindi naman nila puwedeng tiisin, kaya tumayo sila sa puwesto nila at dire-diretso palabas papuntang CR.

“Nakita ngayon nitong si Alex, kaya pinagalitan n’ya ‘yung matatanda. Sinigawan niya, ‘Sinabi kanina na walang tatayo, dahil magsisimula na ang show. Alam n’yo, two years ago, may pinalabas na ‘ko dito at hanggang ngayon, hindi pa nakakabalik.

“Kaya, ‘Get out!’ Eh, ‘yung matatanda, tuluy-tuloy pa sa upuan. Napikon yata si Alex, kaya sumigaw na naman ng, ‘I said, ‘Get out!’ Kaya ‘yung matatanda, umiiyak na umalis.

“Ang ginawa ng creative head, si Willie Cuevas, pinahabol sa marshalls ang mga matatanda at pinabalik. Nagalit din si Direk Willie, kaya nagdayalog din siya ng, ‘Walang kahit sino ang magpapalabas ng audience!’

“Eh, ‘yung buong eksenang ‘yon, nakarating kay John, kaya bago magsimula ‘yung show, nilapitan ni John si Alex at pinagalitan. ‘Bakit mo pinalalabas ‘yung matatanda, ha? Bastos ka, ha! Wala kang galang sa matatanda!

“Dapat inaalagaan mo ang audience natin, dahil nag-e-effort silang pumunta rito para mag-enjoy, tapos, palalabasin mo? Gago ka pala, eh! ‘Ayun, sinuntok ni John, pero hindi pinatama ni John sa mukha, du’n lang sa gilid, kaya sa pader tumama.”

Sa huli, humingi ng paumanhin si Alex kay John at hindi lang naikuwento sa akin ng source kung pati sa matatandang ipinahiya nito ay humingi rin si Alex ng paumanhin.

‘Pag nakausap ko naman si John Estrada at si Alex, pakikinggan ko naman ang kani-lang panig.

Tulad ni Willie Revillame, mahal din ni John Estrada ang mga senior citizens.

 

DAPAT SANA AY May 27 ang house blessing ni Pokwang. Pero isa-isang pinagtatawagan ni Pokey ang kanyang mga invited guests para sabihang postponed muna ito sa second week ng June.

“Eh, kasi, nakakalokah ang panahon. Antipolo pa naman, baka ‘yung iba, ma-traffic, dahil sa ulan. Eh, hayup naman ‘tong Chedeng na ‘to kasi.

“Kaya ako na mismo ang tumatawag sa mga bisita. Baka hindi rin naman makapag-enjoy ang mga bisita, dahil umuulan, ‘di ba?”

Ang laki-laki ng bahay ni Pokey. Limang palapag ito na umabot sa P30M. Binabalak na rin ni Pokey na bilhin ang ka-tabing lote.

Kamakailan, nu’ng wala pa si Pokey sa “HYY” ay lumabas ang balitang naghihirap na ang komedyana, pero ang laki-laki ng bahay, ‘yun ba ang naghihirap?

“Hayaan mo na sila, mare. Wala akong dapat patunayan sa mga nang-iintriga na ‘yan, dahil hindi naman sila ang binubuhay ko at inspirasyon ko, kundi ang pamilya ko!”

 

‘WAG NA KAMING intrigahin ni Nikki Gil.

Oo, please! ‘Wag na. Nakakalokah kasi. May nagsumbong lang sa akin na may nag-comment sa pex (isang social networking site) na parang hindi kami pabor ni Nikki Gil kay Jennylyn Mercado para kay Luis Manzano.

Gano’n?

Kitang-kita raw sa mukha naming dalawa habang iniinterbyu namin si Luis last Saturday sa E-Live na parang asiwa ang fez namin ‘pag nababanggit si Jen.

Hahaha!

Unang-una, wala akong pakialam kung sino pa ang ibigin ni Luis. As long as mapapasaya siya ni Jen, mas happy kami para sa “anak-anakan” ko.

At in fairness, kitang-kita ko ‘yon kay Luis nu’ng Saturday sa dressing room bago mag-start ‘yong show.

Kasi, nag-macho dancing pa si John-John, este, Luis sa likod ko habang minemeyk-apan ako. Idinidikit-dikit pa ni Luis ang kanyang “dyukol” habang naka-boxer briefs lang.

Buti na lang kamo at hindi ako “nadarang.”  Or else, “incest” ‘yon.

Hahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING