James Yap, idini-display na ang kanyang Italian girlfriend

ADVERTISING

James Yap, idini-display na ang kanyang Italian girlfriend

Photo by Mark Cristino for ABS-CBNnews.com
Photo by Mark Cristino for ABS-CBNnews.com

OPEN NA si James Yap sa Italian girlfriend niya, ha?!

Hindi ko naman napanood noong championship ng PBA na kung saan nanalo ang team niya, hinatak daw sa court ang girlfriend niya at hinalikan. Proud na proud siya sa girlfriend niya at hindi na nila tinatago ang kanilang relasyon.

Sinagot naman ni James sa Startalk ang intrigang nag-propose na raw ito. Wala raw proposal sabi niya, at sinagot din ito ng girlfriend niyang si Michaella Cazolla na wala pang ganu’n at wala pa raw sa plano nila ang kasal.

Sabi nga ni James, ang kasal daw nandiyan lang ‘yan, pero marami pa raw silang gustong gawin sa kanilang career kaya hindi raw totoong may plano na silang magpakasal.

ADVERTISING

James-Yap-Michelle-AcazzolaDagdag pang kuwento ni James sa Startalk, kaya raw nagustuhan niya itong Italian girlfriend niya dahil sobrang close daw sa kanyang magulang. Kapag nandito raw ang mga magulang ni James, lagi raw itong dinadalaw ni Michaella at lumalabas sila. Lagi raw silang nagba-bonding at ganu’n din naman daw si James sa magulang ni Michaella.

Hindi pa raw na-meet ni Bimby si Michaella, at balak daw niyang ipakilala ito sa girlfriend niya, pero hindi pa raw sa ngayon. Mas gusto raw sana ni James na tahimik na lang at baka maging friends din daw sila ni Kris Aquino.

Pero ewan ko lang kung kailan ‘yun, ha? Tingnan na lang natin.

 

NAPANSIN NGA ng mga reporter na lalong gumuwapo ngayon si Raymart Santiago. Pati nga raw si Paolo Contis ay ganu’n din, na parang lalo silang bumata.

Sa presscon ng Villa Quintana, ‘yun nga ang natanong sa kanila, na parang lalo raw silang gumuwapo pagkatapos ng pinagdaanan nila.

Sabi ni Raymart, wala na raw kasi siyang ibang inaalagaan kaya may time na siyang alagaan ang sarili niya.

Sabi naman ni Paolo, hindi naman daw kailangang magmukmok na sila. Dapat ay mag-ayos naman daw sila dahil may career silang inaalagaan, ‘di ba?

Kaya kahit tatay ang role nila sa Villa Quintana, mukhang bagets pa rin sila at mas guwapo pa nga yata sila sa anak nila, ‘no!

Nabanggit din pala ni Raymart na tanggap naman daw niya na sa annulment na babagsak ang paghihiwalay nila ni Claudine Barretto. Kaya lang huwag daw sana muna ngayon dahil nagtatrabaho naman daw siya.

Baka maubos naman daw ang oras niya sa kaa-attend sa hearing. Biro nga nito, pinag-iisipan na raw niyang magrenta ng kuwarto malapit sa Marikina Regional Trial Court dahil halos araw-araw uma-attend ito sa hearing. ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING