James Yap, gets P42-M conjugal share from Kris Aquino?!

ADVERTISING

James Yap, gets P42-M conjugal share from Kris Aquino?!ONE VERY PROUD Momma nga ang Kris Aquino na nakausap namin bago pa man sumapit ang graduation ng kanyangJames Yap, gets P42-M conjugal share from Kris Aquino?! anak na si Josh.

Ikinuwento ni Kris ang mga nagagawa na ni Josh na hindi niya akalaing matututunan nito. Gaya ng pagtugtog nito sa piano na walang mga kulay ang mga tiklado. Pati na ang pagluluto.

ADVERTISING

Nakakapag-bake na raw ang anak. But more than that, proud din si Kris sa klase ng perseverance ni Josh, hindi lang sa pag-aaral  kundi sa pag-aalaga rin sa nakababatang kapatid na si Bimby James.

Nabanggit na rin ni Kris ang paghiling niya sa kapatid na si P-Noy na bigyan ng time ang pagdalo sa gra-duation ng kanyang pinakamamahal na pamangkin. Na pinagbigyan naman nito.

Nausisa namin kay Kris kung dadalo ba ang ama ni Josh na si Philip Salvador sa graduation nito. Pero sabi ni Kris, hindi na ito visible sa buhay ni Josh. At hindi na rin ini-involve ang sarili niya sa buhay ng anak. Hindi na ito in-elaborate pa ni Kris. Alam na ng lahat na nagkaroon na rin ng sarili niyang pamilya si Ipe at may anak na rin ito.

ADVERTISING

Kaya nga thankful si Kris sa kanyang buong pamilya, dahil sa panahong kinailangan din niyang bumangon para ipagpatuloy ang kanyang career, ang mga ito ang buong pusong yumakap sa kanyang si Josh, mula sa kanyang dakilang inang si tita Cory hanggang sa mga kapatid niya, lalo na si P-Noy kung saan naging very much attached ang bata.

“It’s so important for the father to be involved in his child’s life. But in the case of Joshy, mahirap na to build that relationship with his father. Kaya, ‘yun din naman ang iniiwasan naming mangyari kay Bimby. I want him to grow close pa rin to his father kahit hindi na kami. Kaya when Mom was alive, we made Josh realize na he is truly loved.”

Speaking of Bimby’s father naman, si James Yap, ang bilis kumalat ng balita tungkol sa hatian nila ng properties sa nilalakad nilang annulment ng kanilang kasal. Sinasabing worth na P42-M ang napunta sa kanyang dating asawa?

“Naka-file na ‘yan. Hindi na puwedeng pag-usapan. Kung anuman ang naging agreement, about the separation of properties, hindi na kailangang pag-usapan dahil lahat na-settle na. Huwag na nating pag-usapan ang figures. Anuman ‘yun, all I can say is sulit na. Why? Because I had a son like Bimby! I don’t care na kung anuman ang mga figures na ikinakalat ng iba. It’s all between us.”

Truly, her children are Kris’ treasures. This vacation, they will embark on another Disney Cruise-Caribbean naman. Sa Mexico sila tutungo. We asked Kris kung hindi ba siya natatakot na ang next rampa nila ay sa dagat?

Ang importante raw, nasaan man sila, sama-sama silang mag-iina!

SI SARAH GERONIMO na rin pala ang gumawa ng paraan para magkabati na sila ng girlfriend ngayon ng kanyang ‘ex’ na si Rayver Cruz.

Naganap ito sa backstage ng ASAP Rocks nung Linggo.

Hindi raw mapakali si Sarah, kaya gumawa siya ng paraan para makabalik sa dressing room at sinabi sa inang si Mommy Divine na may isasauli lang siyang make-up. At doon na niya nakita si Cristine at kasabay ng pagyakap dito eh, ang pagsasabi na niya at paghingi ng sorry. Na sinuklian din naman ng gayon ni Cristine.

Napapanaginipan na raw ito ni Sarah, kaya naman siya na mismo ang nagtulak sa sarili para gawin ang isang bagay na noon pa niya gustong gawin, ang pag-aayos nila ni Cristine para tuluyan na ngang maganap ang pagmu-move on nila.

Masarap daw ang pakiramdam at relieved na si Sarah sa unexpected na pangyayari.

Ayaw din naman daw niyang biglain ang mga pangyayari, kaya natagalan din bago niya gawin ito.

“Ayaw ko nang hintayin nang matagal. Baka magunaw na ang mundo. Naiintindihan ko pa rin si Cristine dahil ganoon naman tayo ‘pag in love.”

Isa pang ginusto ring patunayan ni Sarah eh, ‘yung maipakita sa tao na hindi lahat ng perception nila sa ‘yo eh, tama.

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING