James Yap, enjoy sa bakasyon sa Europe kasama ang Italian GF

ADVERTISING

James Yap, enjoy sa bakasyon sa Europe kasama ang Italian GFJames Yap, enjoy sa bakasyon sa Europe kasama ang Italian GFPATULOY PA ring ini-enjoy ni James Yap ang kanyang European vacation kung saan nanatiling misteryoso kung sino ang kasama niya sa ilang linggo na paglilibot doon.

Pero last Wednesday June 19, sa kanyang Instagram account, nag-post si James ng litrato na may yumakap sa kanyang isang babae ngunit wala itong caption kundi hastag na #italy #niceview.

Hindi rin niya sinagot ang mga followers niya sa kanilang mga katanungan kung sino ito at ano ang relasyon nito sa kanya.

Ito na kaya ang sinasabi niyang Italian GF niya? Why not bagay sila.

 

ADVERTISING

BAKAS SA mukha ni Shalala ang pagkabalisa at hindi mapakali sa unang shooting ng kanyang launching movie na Echoserang Frog. Hindi pa rin daw siya makapaniwalang matutuloy ito dahil nagdadalawang-isip pa rin daw siya baka daw ano ang kahihinatnan nito sa takilya.

Sabi namin sa kanya, easy lang siya at mukha namang may future ang istorya nito. Sa mga ilang sequence na aming binasa, natatawa na kami, script pa lang ‘yan ha? Eh, paano na kung mapapanood na natin ito sa big screen?

At ang catch, star-studded daw ito dahil marami na raw ang um-oo para magkaroon ng cameo role sa movie.

Feeling namin, hindi naman mahirapan si Shalala sa pag-arte dahil ang role niya ay mismong siya, kung saan isang riot na aktingan ang nakatakda nilang pagsasamahan ng kanyang alalay sa pelikula na si Kiray.

Mukha ngang kaabang-abang ang Echoserang Frog na as of today ay wala pa namang playdate. Sige, Tolits (Lito Reyes sa totoong buhay ang name ng radio at TV host) goodluck na lang.

 

INTERESTING ANG naging usapan namin ni Joem Bascon sa gilid ng NBC Tent sa The Fort last Tuesday during the Urian Awards. Inusisa kasi namin siya sa pelikulang Lihis kung saan gumaganap siyang ‘bakla’ na kalukadidang ni Jake Cuenca. Kuwento ito ng mga rebelde na dahil sa sila-sila lang ang palaging magkasama sa bundok ay na-develop sa isa’t isa.

Ayon pa kay Joem, kaabang-abang daw ang mga intimate scenes nila ni Jake dahil itinodo na raw nila ang lahat, ayaw raw kasi nilang dayain ang mga eksena kaya kung ano raw ‘yung nararapat ay ibinigay talaga nila.

Pagmamalaki pa niya, halos maipakita na raw niya lahat sa pelikulang ito dahil ganu’n daw kaganda ang script nito at bilib na bilib sila sa galing ng direksiyon ni Direk Joel Lamangan.

Tiyak namin na nag-aabang na ang sangkabaklaan sa pagpapalabas ng pelikulang ito.

 Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING