James Yap, ‘di nirerespeto ni Kris Aquino!

ADVERTISING

James Yap, ‘di nirerespeto ni Kris Aquino!

James Yap, ‘di nirerespeto ni Kris Aquino!TINGIN KO naayos na ‘yung visitation rights na hinihingi ni James Yap sa korte.

Nakakaloka ang kuwento sa amin ng Startalk reporters namin na nag-cover sa hearing ng kaso nina Kris at James nu’ng kamakalawa ng umaga.

Nagsimula raw ‘yun ng alas-diyes ng umaga, natapos daw ng alas-dos ng hapon.

Kasi naman walang balak daw na dumalo si Kris dahil meron daw siyang appointment sa dentista niya, at si Bimby naman daw may allergy sa mata.

ADVERTISING

Pero kailangan daw nilang ayusin sa korte ang visitation rights ni James sa anak nilang si Bimby kaya kailangang dumalo si Kris dala ang anak nila.

Kaya naghintay sila nang halos isang oras na dumating si Kris, at dumating naman daw ito.

Nagharap sila sa judge ng Branch 140 ng Makati-RTC na si Judge Cristina J. Sulit at halos dalawang oras daw silang nag-usap doon.

Napansin ng aming reporter na parang umiyak si Kris at pati nga si Bimby ay umiyak din.

Pero paglabas nila ng korte, ayaw na nilang magsalita. Sabi na lang daw ni Kris masaya siya sa desisyon ng korte at nagpapasalamat ito pati sa judge at pati sa lawyer niya.

May gag order na kasi sila, kaya ayaw na nilang magsalita tungkol sa napag-usapan sa kaso lalo na sa visitation rights ni James.

Dinig ko bukas na magsisimula ang pagkikita nina James at ng anak niya dahil ang ibinigay na araw ng pagkikita ay Miyerkules at Biyernes hanggang sa Sabado kinabukasan.

Pero pag-uusapan nila ang lugar dahil may Permanent Protection Order si Kris laban kay James at pati pala ang yaya ni Bimby. Kaya ‘yun ang dapat nilang ayusin sa harap ng korte.

Tingin ko naman naayos nila ‘yun at okay na sila.

James Yap, ‘di nirerespeto ni Kris Aquino!

MABUTI NA lang, bago ibinaba ang gag order na ‘yan, nakausap na ng Startalk si James at ang abogado niyang si Atty. Lorna Kapunan.

Kaya natanong na ito tungkol sa Italian girlfriend ng basketbolista na nakasama niya sa bakasyon niya sa Europe kamakailan lang.

Ayaw masyadong magkuwento ni James tungkol sa girlfriend niya, pero nasabi niyang Michaela ang name nito, pero ayaw niyang sabihin ang apelyido dahil may katungkulan daw ito sa isang malaking bangko.

Alam ko saan eh, kaya lang ayaw na raw ni James na sabihin pa para private na lang daw itong girl.

Wish din daw sana niyang makilala ni Bimby itong girlfriend niya, at sana nga raw tanggapin niya ito.

Pero ayaw pala ni James sanang pag-artistahin si Bimby. Nakarating din sa kanya ang balitang may gagawin na itong pelikula na isasali sa Metro Manila Film Festival, at medyo nagtampo diyan ang basketbolista dahil hindi man lang daw ito ipinaalam sa kanya.

Sabi nito, “Sana merong magku-consult muna sa tatay. Pero mahirap din namang kontrahin kasi baka gulo na naman.”

Pero ang gusto lang naman daw ni James na sana, pareho nilang desisyon kung ano man ang plano sa bata at kung paano nila ito palakihin.

“Siyempre bilang tatay, eh… respetuhin naman niya ako. Hindi ka naman magkakaroon ng anak na ganyan kung wala ako, ‘di ba?

“Sana i-consult naman, sana ganyan. Madali naman akong kausap, eh. Sana respeto man lang sana, kung maaari,” dagdag pang pahayag ni James.

Basta panoorin n’yo na lang ang kabuuan ng kuwentong ito sa Startalk.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING