James Yap, ‘di isinikreto ang anak sa ibang babae

ADVERTISING

James Yap, ‘di isinikreto ang anak sa ibang babae

James-YapHINDI NAMAN sikreto ‘yang pagkakaroon ng anak ni James Yap bago pa si Bimby, ‘di ba?

Napag-usapan na ‘yan noon pa bago lumabas ang balitang kasal na sila ni Kris Aquino. Hindi lang nila pinalaki at iniiwasan pa ‘yan nila noon na pag-usapan.

Pero ngayong hiwalay na sila ni Kris at open naman si James sa lahat na isyu, hindi na niya ito itinatago.

Ewan ko bakit ngayon lang ‘yan pinag-usapan eh noon naman hindi ‘yan itinatanggi ng basketbolista.

ADVERTISING

Si Anthony Taberna lang ang nagtanong niyan on air at sinagot na nga ni James.

Sabi ng kampo ni James, hindi na ‘yan bago sa basketbolista pero ayaw lang nilang idetalye pa.

Mas gusto raw ni James na i-maintain ang privacy ng panganay niya at hindi na kailangang ilabas pa. Maayos naman daw ang usapan nila ng ina ng anak niya.

Hindi naman daw sikreto ‘yan kay Kris dahil inamin na ‘yan ni James nung bago sila nagpakasal.

Pero ang hintayin na lang natin kung ano ang sasabihin ‘dyan ni Kris. Siyempre dapat kasali pa rin siya sa isyu. Alam mo naman si Kris, dapat  tuluy-tuloy na pinag-uusapan siya.

Kaya abangan natin kung ano ang komento ‘nya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING