James Yap, ayaw nang patulan si Kris Aquino

ADVERTISING

James Yap, ayaw nang patulan si Kris AquinoJames Yap, ayaw nang patulan si Kris AquinoNITONG BIYERNES, nabulabog na naman ang twitterworld nang mag-post si Kris Aquino ng tungkol sa ‘last check’ para raw sa settlement nila ng ‘you know who’.

Aniya, “Siguro birthday blues talaga – last night while taking care of Bimb I had to sign another check in the millions, last payment sa financial.”

Mahaba pa ang tweet ni Kris pero it sounded like ‘parang sayang ‘yung perang dapat ay mapunta na lang kay Baby James’.

On some point, tama naman si Kris. Pero ito ‘ata ang napag-usapan nilang mag-asawa ni James Yap bago pa man sila maghiwalay, kumbaga ito ‘yung settlement na siguro ay paborable naman sa magkabilang kampo. At least tapos na, ‘di ba Krissy?

Ito namang si James ayaw nang mag-comment. Ayaw na rin ‘ata niyang lumaki pa ang usapin. Well good for James baka kasi mabatikos na naman siya nang husto. At sa Friday, February 15, birthday niya ay sa isang charitable institution niya ito gagawin. Nakakatuwa namang malamang mag-share siya ng kanyang blessings.

ADVERTISING

Advance happy birthday na lang sa inyong dalawa, kay Kris sa February 14 at kinabukasan naman kay James.

 

James Yap, ayaw nang patulan si Kris AquinoLAST TUESDAY, February 5, nakausap namin si Rayver Cruz sa premiere night ng pelikula ng kanyang kuya Rodjun sa Megamall. Feeling namin, naka-move on na ang binata at hindi na ito umiiwas sa media, ha?

Masaya raw siya at nakatuon ang kanyang atensiyon ngayon sa trabaho via Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Kasama niya si Cristine Reyes sa serye, pero wala raw nabago sa kanilang samahan.

Kuwento niya, “Ganun pa rin, basically walang nagbago, eh. Hello?! Ang tagal naming magkasama ni Cristine and kilala namin ang bawat isa and sobrang kabisado namin ang isa’t isa.

“Ngayon, nag-start naman kami as friends eh, nagtapos kami as friends. So basically, maayos kami, maayos kami.”

Tungkol naman sa kanilang serye, inamin ni Rayver na sobra siyang excited dito. Saad niya, “Basically, stepbrother ko si Gerald (Anderson) dito.”

“’Yun medyo excited ako, kasi medyo mature na ‘yung role ko rito and very challenging, ibang Rayver. Drama, medyo mabigat na drama. So, excited ako.”

Dagdag pa niya, “Sana ito ‘yung start (ng magandang mga projects). So very happy ako, kada pagdating ko sa set sobrang excited akong mag-work. So sana panoorin ng mga tao.”

Sa ngayon happily single siya, eh paano kaya ang kanyang Valentine’s? At handa na siyang umibig muli? Natatawang sagot nito, “Tingnan na lang natin, kasi ‘yung ganyan, ‘yung mga ganyan, hindi hinahanap eh, darating ‘yan, darating ‘yan.”

 

NAGSALITA NA ang Megastar na si Sharon Cuneta sa isyung diumano ay ‘nagpaparamdam’ siyang bumalik sa dati niyang istasyon after nitong pumirma ng kontrata sa TV5.

Sa ulat ng abs-cbnnews.com last February 8, pinabulaanan din ni Sharon ang tsikang ito.

Pagtanggi ni Mega, “Gusto ko lang linawin ‘yun, kasi iba-iba ‘yung nakakarating sa akin na balita. There’s no truth to that. So far, at least, there’s no truth to that.”

Dagdag pa ni Sharon, “I have a contract with TV5. I keep in touch with sila Tita Charo (Santos-Concio) like I always have, so there’s nothing wrong with that, I think, kasi pamilya ko pa rin naman kayo (ABS-CBN reporter), ‘di ba?”

May mga nakahanda na naman daw konsepto para sa mga bagong programa ni Mega sa Singko pero masusi raw muna nilang pag-aralan kung ano nag magandang proyektong uunahin niya. Say pa niya, “I have shows lined up with TV5, pero pinag-aaralang mabuti muna. So I’m resting muna. I’m enjoying the time with my kids muna. I’m parang taking a break from TV muna.”

 Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING