James Yap at Michela Cazzola, masayang ibinalita na baby boy ang kanilang panganay

ADVERTISING

James Yap at Michela Cazzola, masayang ibinalita na baby boy ang kanilang panganay

James Yap & Michela Cazzola
James Yap & Michela Cazzola

Kaloka naman at siya na naturingang ama na malapit naman sa kanyang anak ay hindi alam kung nasaan ang anak niya.

ADVERTISING

Hindi pala batid ni James Yap na wala pala ang anak niya na si Bimby at nasa bakasyon ito kasama ang dating misis na si Kris Aquino.

Gustuhin man ni James na makasama si Bimby noong Sunday sa selebrasyon ng Father’s Day, hindi niya nagawa, dahil kung hindi pa nasabi sa kanyang ng isang entertainment reporter na wala sa bansa si Bimby at kasama nito si Kris Aquino since May 9 (una nilang destinasyon ay ang Hawaii at habang isinusulat namin ito ay nasa USA na sila). Sa almost three months vacay nila with Kuya Josh, hindi rin alam ni James na by July or August pa ang balik ng anak.

Sa baby shower ng pangatlong anak ni James (the first from a non-showbiz or shall I say just an ordinary girl at ang pangalawa ay si Bimby kay Kris Aquino), sa girlfriend na Michela Cazzola, kung saan masayang ibinalita ng dalawa na it’s a baby boy para sa kanilang unang magiging anak na pangangalanan nilang Michael James na ang mgiging palyaw ay MJ.

ADVERTISING

Nakatakdang iluwal si MJ ni Michela  by last week of July to first week o August.

Gusto pareho nina James Yap at Michela na ang mga pangalan nila ay nasa pangalan ng magiging baby nila. At least, ang pangalang Michael ay sounds like Michela kaya oks na rin naman sa future mom.

Bago manganak si Michela, ang pamilya niya ay darating sa Pilipinas para alalayan ito sa kanyang pagluluwal kay Michael James. First apo ito ng mga Cazzola.

Sa ngayon wala pa sa plano ng dalawa ang kasal. Sabi nga ni James, “Sa tamang panahon.”

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING