James Reid, walang balak makatrabaho ang ex-gf

ADVERTISING

James Reid, walang balak makatrabaho ang ex-gf

1 James-ReidNAKA-MOVE-ON NA nga si James Reid after his break-up with Ericka Villangco, Star Magic talent. Kailangang gawin niya ‘yun para makapag-concentrate sa kanyang career as a singer/actor. Hindi nito kayang pagsabayin ang work at personal life kaya minabuti ng binata na tapusin na ang ugnayan nilang dalawa. Walang regrets si James sa paghihiwalay nila ni Ericka, mas happy siya ngayon sa pagiging single. Mas focus sa trabaho at ini-enjoy ang success na mayroon siya ngayon.

Walang balak si James na makatrabaho ang kanyang ex-girlfriend if ever na may offer to do a soap or movie. Hindi raw siya nagsasalita ng tapos, hindi pa sa ngayon. May kirot pa rin siyang nararamdaman kahit hindi niya sabihin. Maybe in the future baka raw pupuwede na.

Naging mabilis ang pagsikat ni James nang lumipat ito sa Viva Films. Binigyan ng launching movie na Dairy Ng Panget with Nadine Lustre na super success sa box-office at nasundan pa ito ng big hits. Nag-click sa mga fans ang loveteam nina James at Nadine kaya’t kumikita ang kanilang mga pelikula. Napaka-straight forward kung sumagot itong si James, hindi showbiz. Tuloy, kinagigiliwan siya ng press kapag ini-interbyu ang binata.

Kung tatanungan ang status ng friendship nina James at Nadine, super close lang ang dalawa. “We’re good friends. I really enjoy working with her. She’s fun, kalog and such a nice person,” say ni James.

ADVERTISING

Kahit super close sina James at Nadine, walang serious relationship na namamagitan sa kanila. Pinatotohanan naman nilang dalawa. “Purely friendship lang ang relationship namin,” tsika ni Nadine.

Ang pagiging mag-sweetheart nila on the big screen ay pangpelikula lang, hindi sa totoong buhay. Ito’y ginagawa nila para sa ikatutuwa ng kanilang mga fans.

Ayon kay James, priority talaga niya ang showbiz career kaya nga siya sumali sa PBB para maging sikat na artista. At ngayon nga nagkaroon ng katuparan. Isa na siyang sikat na young actor, ka-level ni Daniel Padillla. Hindi niya sasayangin ang break na ibinigay sa kanya ni Vic del Rosario. Ngayon nga, unti-unti na niyang nararating ang mga pangarap na gusto nitong marating.

Alam ni Nadine na focus sa trabaho si James, kung ano ang priority ng young actor in life. Marami pa itong mga pangarap sa buhay kaya’t isasantabi muna raw nito ang personal life. Hindi itinanggi ni Nadine na kung sakaling ligawan siya ni James may posibility sagutin niya ito. “Why not?” ang mabilis na sabi ng young actress.

Nagpakatotoo lang naman si Nadine, kahit sinong babae, magkakagusto kay James. Bukod sa guwapo, maganda ang pangangatawan, napaka-down-to-Earth pa ito, tsika sa amin. Pero naiintindihan ng dalaga si James, pareho lang naman sila ni Nadine na priority ang career. Sa ngayon, hindi nila iniisip kung hanggang saan hahantong ang kanilang friendship. Pareho naman nilang ini-enjoy ang bawat isa. Huwag daw bigyan ng malisya kung nakikita silang super close dahil parehong relax sa isa’t isa.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING