James Reid, sinisiraan ng isang fan

ADVERTISING

James Reid, sinisiraan ng isang fan

James-ReidJUST BECAUSE hindi napagbigyan ang request for a photograph ng isang fan named Inah Evans ay kung anu-ano na ang ipinost ng faney na ito. The guy posted a long rant on his Facebook account saying nakipaghalikan at nakipaglandian si James Reid kay Julia Barretto.

“Grabe lang! Kanina my fandom with James Reid ended.

“So kaninang madaling araw, we were at Reserve Fort and my friend (them knowing I’m a James Reid fan) sent me a text that they were in The Bowery and James Reid was there. Nako sumugod agad ako hahahah.

“I had one glass of cranberry vodka before we had the confidence to request to take a picture, in the most polite fan way. But we were turned down. I was turned down with these words ‘Not today. Maybe next time’ and Patrick Sugui apologized. Buti pa siya.

ADVERTISING

“Hindi ko alam kung anong mahirap sa magpapicture, e wala naman nang tao du’n sa restaurant. It was just their table, my friends and a couple on another. Parang picture lang e.

“Ang yabang lang. Presko ba. Kasi nga famous. And the fact that he’s so occupied kissing and flirting Julia Barretto that time.”

Naku, Inah, hindi kapani-paniwala ang aria mo because  you have an axe to grind against James dahil hindi ka napagbigyan sa hiling mong selfie with him.

Why don’t you just respect James’s decision na ‘wag magpakuha ng photo kasama ka. For one, he was in his private moment tapos umeepal ka. It was obvious na sobra kang bitter na faney. That’s the problem with most fans. Kapag hindi sila napagbigyan ay kung anu-anong paninira ang ginagawa nila.

Dapat dito kay Inah ay kasuhan dahil sa paninira niya kay James. He obviously has motives for destroying him in public via Facebook!!!

 

Super successful ang KapamilyaKrismas3 event ng Dreamscape Entertainment Television headed by Deo Endrinal na ginanap sa Mindanao Open Parking sa Trinoma noong Sunday.

Umabot sa 20,000 ang crowd na nanood ng show na tampok ang bida sa On The Wings of Love, Doble Kara at Ang Probinsiyano.

Bonggang performances ang ipinakita nina Alanis Morisette, Klarisse de Guzman, Gloc-9, Ebe Dancel, KZ Tandingan, Erik Santos, Daryl Ong among others.

Talagang nakakabingi ang hiyawan nang finally ay lumabas na ang cast ng Doble Kara, Ang Probinsyano, at On The Wings of Love na sina Nadine Lustre, James Reid, Coco Martin, Julia Montes, at Maja Salvador.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING