James Reid, pinupunan ng pagpapaseksi ang pagkukulang sa Tagalog

ADVERTISING

James Reid, pinupunan ng pagpapaseksi ang pagkukulang sa Tagalog

James-ReidKAHIT PA Big Winner sa PBB Teen Edition noon si James Reid na pinakawalan ng ABS-CBN at sinalo ng Viva Films at binuhay na muli ng Viva ang kanyang career na patunay nito’y ang success ng Diary Ng Panget na over 100M ang naging gross ay tila hindi pa isasabak ito ni Boss Vic del Rosario sa mga teleserye.

Dahil kung tama ang nakausap naming taga-Viva, “Gusto kasi ni Boss Vic, maging movie star si James Reid, kaya after Diary Ng Panget, follow-up agad ng Talk Back And You’re Dead na mas nakakalokah ngayon dito si James. Medyo daring na siya.”

Oo nga. Ang seksi-seksi ni James Reid ngayon. Kahit ‘yung mukhang patpating katawan na ‘yon ng binata ay in fairness, parang nakakademonyo rin, huh! Hahahaha!

Meron bang dapat panghinayangan ngayon ang ABS-CBN, dahil hindi na nila ni-renew si James? Oh, well… wala namang dapat ikahinayang, dahil kami ay naniniwalang nakaguhit sa palad ni James na siya ay mapupunta sa Viva.

ADVERTISING

Naging setback ni James ang baluktot niyang dila sa Pananagalog, kaya naman, hinuhulma sa character niya ang kahinaan niya sa Pananagalog at ‘yun ang nagawan ng paraan ng Viva.

Tingnan n’yo, panay ang paseksi ngayon ni James. ‘Yang pagpapaseksi ang nagtakip ng kakulangan ni James, feeling ko.

Kaya good luck pa rin kay James at feeling namin, mas bobongga pang lalo ang kanyang career. Basta ‘wag lang ikalaki ng kanyang upper head.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING