James Reid, pinagalitan ng manager sa madalas na paggimik

James Reid, pinagalitan ng manager sa madalas na paggimik

James-ReidPINAGALITAN DAW si James Reid ng kanyang manager dahil sumasama ang image nito dahil sa paglabas-labas nito para gumimik. Bothered ang management dahil hindi nag-click ang last movie nito, obviously an offshoot of his party-party gimmicks.

Ngayon nga raw ay iniiwasan na ni James na mag-party. Kung meron man siyang pinupuntahang gimik, iniiwasan niyang makunan ang sarili kasama ang female fans. Kung anu-ano kasing chismis ang lumalabas kapag nakikita sa isang party ang binata.

Kapag hindi maiwasan at makulit ang female fan ay pinagbibigyan na lang ni James, pero pagkatapos noon ay alis na kaagad siya ng party.

 

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas