James Reid, napamura nang mahulog sa pagrampa?

ADVERTISING

James Reid, napamura nang mahulog sa pagrampa?

James-ReidHOW TRUE na napamura raw si James Reid nang mahulog siya sa open space sa stage sa pagrampa niya sa nakaraang Cosmo 69 Bachelor Bash?

ADVERTISING

Kasi naman, tumalikod pa si James sa pagrampa niya, hindi niya napansin ang open space kaya naman nahulog siya. Sinisisi rin ang pagsusot niya ng black shades kaya siguro hindi niya nakita ang malaking open space sa stage.

Ang maganda lang kay James ay ang kanyang presence of mind. Dali-dali siyang umakyat sa stage as if walang nangyari, nagpalakpakan ang audience dahil sa kanyang ginawa.

Isa si James sa pinakatinilian sa pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash.

ADVERTISING

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING