James Reid, nanliligaw na kay Julia Barretto?

James Reid, nanliligaw na kay Julia Barretto?

Julia-Barretto-James-ReidISANG TSIKA ang dumating sa amin sa pamamagitan ng isang text message. Ayon nga sa tsika ay tinamaan daw talaga itong si James Reid kay Julia Barretto.

Ang totoong nasa puso daw ngayon ni James ay si Julia? Nabighani raw ang binata sa gandang ni Julia, kaya hayun at panay raw ang text ng binata sa dalaga.

Ang sabi pa nga sa amin, nanliligaw na nga raw ito, at nagsimulang ma-attract nang mag-shooting sila ng Hopeless Romantic.

Abangan ang susunod na kabanata.

Gladys Reyes, ipagpo-produce ng pelikula si Judy Ann Santos

Gladys-ReyesIPOPRODYUS NGA raw ni Gladys Reyes si Judy Ann Santos. Nagkaroon ng interes itong si Gladys after nga nang manalo siyang best supporting actress sa Gawad Urian.

“Wala pa namang title at wala pa kung sino’ng makakasama. At magiging artista ba ako o producer na lang. Sa indie movie kasi, malaya ang istorya kaya masarap magprodyus. Sana magustuhan niya ang story,” pahayag niya.

“Siguro naman hindi na kami magsasabunutan dito ni Juday, ‘di na kami bata at tapos na ang Mara Clara, ‘no? Nagawa na namin ‘yun at hindi na puwedeng ulitin dahil hindi na kami bata,” sey pa niya.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!