James Reid, nagpaalam muna sa ama ni Nadine Lustre bago niligawan ang dalaga

ADVERTISING

James Reid, nagpaalam muna sa ama ni Nadine Lustre bago niligawan ang dalaga

James Reid, nagpaalam muna sa ama ni Nadine Lustre bago niligawan ang dalagaLast Saturday super kilig ang mga JADINE fans and supporters nang aminin ni James Reid at the end of their concert na sila na ngang dalawa ni Nadine Lustre since February 11.

Sa katunayan, may hang-over pa ang mga fans nina James Reid at Nadine Lustre sa revelation ng binata tungkol sa pagmamahal niya sa dalaga.

Kahit half-Pinoy and half-Austrialian ang binata (lumaki si James sa Sydney) at kahit nasanay na siya sa modern at Aussie style ng panliligaw, idinaan pa rin niya sa Pinoy na Pinoy ang ginawa niyang panliligaw sa girlfriend.

Bago pa niya niligawan si Nadine nang seryosohan, nagpaalam pala si James sa ama ni Nadine ng kanyang intensyon sa dalaga kahit na regular na silang lumalabas as friends.

ADVERTISING

Kaya nga nang i-anounnce ng binata in public sa ending ng concert ay nagulat sa Nadine sa ginawa ng boyfriend. Say ni Nadine: Hindi kasi ako sanay nang ganu’n. ‘Yong sinasabi sa public.”

Sa darating na Biyernes, ending na ng kilig-serye ng dalawa na “On The Wings of Love”.

Sa katunayan, last week, sa finale presscon ng dalawa para sa kanilang serye and at the same time ay para sa kanilang JADINE in LOVE world tour concert na sponsored by TFC (The Filipino Channel); marami pang mga pangamba kung ano ang magiging ending ng show, gayong si Simon (played by Paulo Avelino) ay pursigido pa rin na makuha ang puso ni Leah habang si Clark naman ay nag-iinarte pa na makipagbalikan sa asawa.

Ngayong confirmed na silang dalawa na talaga, imposible naman na sisirain pa ng Dreamscape Entertainment ang pinaghirapan nilang buuin na love team na from reel ay naging real na.

Sa totoo lang, regular kaming nanonood ng OTWOL at sa edad namin na lampas singkuwenta, sagad to the bones pa rin ang kilig na nararamdaman namin kapag napanonood namin ang mga kilig nilang eksena.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING