James Reid, naglabas ng futuristic music video para sa ‘SODA’

UHAW KA BA kay James Reid? Mag-SODA ka muna!

Sa wakas ay naglabas na ng official music video ang singer/actor/producer para sa kanyang latest single na ‘SODA‘. Swak na swak ang timpla ng kanta sa panahon natin na napakainit. Mapapainom ka na lang talaga ng soda na sandamakmak ang yelo. Pak!

James Reid, naglabas ng futuristic music video para sa 'SODA'
James Reid in ‘Soda’ MV

Para sa highly anticipated na music video ng Careless Music CEO, isang futuristic concept ang ipinakita nito. Kinunan ang mga eksena sa Ilocos Norte. Ito ang tipo ng kanta at music video na pwede na rin natin ipantapat sa gawa ng mga kapitbahay natin sa Asya. Tulad ng visual album project ni Nadine Lustre, hindi kami nadisappoint dito.

Sa music video ng Soda ay isang ‘explorer’ si James na nasa isang disyerto na naghahanap ng energy souce. Sa kanyang paglalakbay ay may mga makikita siyang mga kakaibang elemento at isang misteryosang prinsesa. For a change, hindi si Nadine Lustre ang kanyang nakita. Whew!

Una nang inilabas ni James Reid ang lyric video para sa Soda noong nakaraang buwan at naiperform na rin niya ito sa Wish Bus. Paniguradong hinahanda na rin ng binata ang kanyang full-length album na matagal-tagal na rin hinihintay ng mga fans niya na uhaw na uhaw sa bagong materyal mula sa kanya.

Panoorin ang music video ng Soda! Alam niyo ba na co-written ito ni Nadine Lustre? Ang tanong: Nagkabalikan na ba sila?