James Reid at Nadine Lustre, walang nakuhang pagtutol sa pag-amin sa relasyon

ADVERTISING

James Reid at Nadine Lustre, walang nakuhang pagtutol sa pag-amin sa relasyon

James Reid at Nadine Lustre, walang nakuhang pagtutol sa pag-amin sa relasyonEnding na ng “On The Wings of Love” on Friday (Feb. 26) kaya hindi maiwasang malungkot ng fans nina Nadine Lustre at James Reid. Pero dahil sa in-announce nila sa “Jadine In Love” concert last Saturday (Feb. 20) na mag-on na sila, nabawasan ang pagkalungkot ng fans.

Grabe ang tilian ng fans and supporters ng JaDine sa Araneta nu’ng nalaman nilang may relasyon na ang dalawa. Maging sa showbiz world, parang lahat ay wini-wish na magtagal ang kanilang relasyon. Walang tumututol or something, lahat ay pabor.

‘Yon nga lang, karamihan sa mga babae at beki na nagpapantasya kay James Reid ay nanghihinayang kasi taken na ang ideal guy nila. Wala na raw silang pag-asa sa “hubby ng bayan”.

Anyway, konting panahon lang naman ang ipaghihintay ng JaDine fans para mapanood ulit sila sa isang TV series dahil by June, magsisimula na ulit silang mag-taping for a new show under Dreamscape Entertainment.

ADVERTISING

While on vacation, magkakaroon muna ng world tour ang Jadine In Love.

Samantala, nakatutuwa ang reaksyon ni Nadine nang tanungin namin siya kung ano ang pakiramdam na super successful ang OTWOL series nila at meron pa silang world tour. Sey ng dalaga, hindi pa rin daw nagsi-sink-in sa kanya ang magagandang nangyayari sa kanyang career.

Wow, so nice of her, very humble pa rin kahit super sikat na.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING