James Reid at Nadine Lustre, tanggap ng fans na hanggang friends lang

James Reid at Nadine Lustre, tanggap ng fans na hanggang friends lang

Nadine-Lustre-James-ReidTANGGAP NG fans ng tambalang James Reid at Nadine Lustre na hanggang magkaibigan lang ang kanilang iniidolo. Ito rin ang gustong mangyari ng dalawa para hindi magkaroon ng problema ang kanilang loveteam na muling mapapanood sapelikulang Para Sa Hopeless Romantic na palabas na ngayon sa mga sinehan.

Sa palagay ba niya ay sagabal ang pagkakaroon nila ni James ng relasyon if ever?

“‘Di naman po siya sagabal. It’s just that mahirap kasi kung maging kami po tapos magkaroon ng problema. ‘Yung tipong meron po kaming work, may eksena po kami na kailangang sweet. As a loveteam, siyempre, kailangan kaming sweet para magpakilig, eh, magkaaway po kami… ‘yung mga ganu’ng factor. So parang ang hirap din. Ayaw po naming mawala talaga ‘yung friendship namin,” she explained.

Ganito rin ang naging paliwanag ni James. “Sinabi ko po before na as long as we’re working together, ayokong magkaroon kami ng relasyon or something, kasi it will be just complicate things. Kasi I’ve seen it and it happened before na rin to me.

“Dati, nagkaroon ako ng girlfriend pero nasira ‘yung career ko. Mas focus ako noon sa girlfriend ko, kesa sa career ko. So right now, my focused is on my career,” pag-amin pa ng binata.

La Boka
by Leo Bukas