James Reid at Nadine Lustre, sinasabotahe?

ADVERTISING

James Reid at Nadine Lustre, sinasabotahe?

James-Reid-Nadine-LustreNAULOL SA galit ang JaDine nina James Reid and Nadine Lustre. Who wouldn’t get mad, eh, halatang-halata naman na mas pinaboran pa ang ibang love team kaysa kina James and Nadine. Ang feeling ng JaDine fans ay sinabotahe, binaboy, at binalahura sina James at Nadine nang mag-perform ang dalawa sa ASAP last Sunday.

Feel na feel nilang taken for granted sina James and Nadine and there are telltale signs to prove it. One fan pointed out na bakit pinag-lipsync ang dalawa when they can sing live naman. Parehong may album ang dalawa, that means they can sing, right? Another point that one fan raised ay ang absence ng JaDine fans sa loob ng ASAP studio. Parang unannounced yata ang guesting nila kaya walang nakapunta. Third, napatunayan ng JaDine fans na me kinikilingan, me pinoprotektahan ang Dos dahil wala raw tumili kina James and Nadine after their number samantalang tili hanggang langit ang inabot ng ilang love teams na nag-perform.

We felt na ganyan naman talaga ang Dos. Siyempre, they will protect the love team of Daniel Padilla and Kathryn Bernardo dahil sila ang kumikitang kabuhayan ngayon kaya sila ang priority. Second fiddle lang ang tingin nila kina Nadine at James so ‘wag nang umasa ang JaDine fans na priority sila sa ASAP.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING
ADVERTISING