James Reid at Nadine Lustre, sasabak na sa kanilang first TV project

ADVERTISING

James Reid at Nadine Lustre, sasabak na sa kanilang first TV project

Nadine-Lustre-James-ReidSASABAK NA sa kanilang kauna-unahang TV project sa ABS-CBN ang loveteam nina James Reid at Nadine Lustre na kilala rin bilang Jadine. Sa bagong month long special ng Wansapanataym na magsisimula ngayong Sabado , Sept. 27 sila bibida.

Wansapanataym Presents My App Boyfie na sinulat ni Noreen Capili at mula sa hit Wattpad series ang title ng month long special ng Jadine. Makakasama rin nila rito si Dominic Roque.

Istorya ng isang babaeng hindi pa nagkaka-boyfriend na mababago ang buhay nang mabuhay ang “dream boy” na nilikha niya sa kanyang mahiwagang tablet computer. Exciting, ‘di ba?

All-eyes ngayon ang publiko kung gaano magiging kalakas ang Jadine series. Tiyak na marami ring Kathniel fans ang oobserbahan kung maghi-hit ito nang bonggang-bongga.

ADVERTISING

Tampok din nga pala sa My App Boyfie na mapanonood tuwing Sabado after Home Sweetie Home and Sundays after Goin’ Bulilit ngayong October sina Cherie Gil,  Malou Crisologo at Eddie Joson. Sa direksyon ito ni Jojo Saguin.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING