James Reid at Nadine Lustre, nauwi sa pagsi-shopping ang Valentine’s date sa Rockwell

ADVERTISING

James Reid at Nadine Lustre, nauwi sa pagsi-shopping ang Valentine’s date sa Rockwell

James Reid at Nadine Lustre, nauwi sa pagsi-shopping ang Valentine’s date sa Rockwell  James Reid at Nadine Lustre, nauwi sa pagsi-shopping ang Valentine’s date sa Rockwell James Reid at Nadine Lustre, nauwi sa pagsi-shopping ang Valentine’s date sa RockwellAminado si James Reid na kasama niya ang ka-love team na si Nadine Lustre last Valentine’s Day. May date sana silang dalawa, pero nausyami dahil full ang restaurant na dapat sana ay pagdarausan nila ng kanilang Valentine’s Day dinner last Sunday sa Rockwell.

ADVERTISING

Kumakalat kasi ang photo ng dalawa sa social media na magkasama ang dalawa, na ayon sa ispekulasyon at mga kuwento noong una na naispatan ang dalawa sa Shangri La Mall.

Dahil tuwing Araw ng mga Puso ay asahan mo na palaging puno ang mga restaurants sa magsing-irog na magka-date kung hindi man pamilya mo ang kasama mo, ang supposed to be dinner ng dalawa ay nauwi na lang sa pagsi-shopping.

“We went shopping for computer games na lang,” kuwento ng binata sa finale poresscon ng kanilang kilig-serye na “On The Wings Of Love” na magtatapos na in the next 9 nights (February 26).

ADVERTISING

Pero may time pa naman daw ayon sa binata na after ng kanilang sold-out Araneta Coliseum concert na “JADINE LOVE” this coming Saturday, February 20 ay magkakasama naman daw sila ni Nadine sa World Tour nilang dalawa na handog ng TFC (The Filipino Channel) sa Doha( March 18); Dubai (March 19); London (March 26); at sa Milan (March 27). After ng show nilA sa Italy, pipilitin ng binata na magbakasyon sila ni Nadine sa Paris which is considered one of the most romantic city in the world.

During the presscon na ginanap kaninang tanghali sa Studio 4 ng ABS-CBN, deny pa rin ang dalawa sa sinasabi ng marami na silang dalawa na nga, pero an assessment namin based sa ikinikilos ng dalawa at sa mga tinginan nila, may sikreto sila na inililihim sa press at sa kanilang mga fans and supporters.

Yes, ayaw mang aminin nina James Reid at Nadine Lustre na na-develop sila after 7 months being together sa OTWOL, bibigay at bibigay ka sa feelings mo lalo pa’t loveable naman ang tambalan nilang dalawa.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING