James Reid at Nadine Lustre, mauuna pa ang serye kaysa kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

ADVERTISING

James Reid at Nadine Lustre, mauuna pa ang serye kaysa kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Nadine-Lustre-James-ReidSA PRODUCTION unit ng Dreamscape Entertainment gagawa ng kanilang unang teleserye ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre. Contract stars ng Viva ang dalawa pero recently nag-sign din sila ng kontrata sa ABS-CBN.

My App Boyfie na based from a Wattpad original story of Noreen Capili ang title ng TV series, kung saan kasama rin sa cast si Dominic Roque. Tapos na rin ang kanilang pictorial the other day pa kaya tuwang-tuwa ang Jadine fans.

Wala pang exact date kung kelan ilalabas ang My App Boyfie. Pero request ng fans na gawin itong pang-primetime ng Dos.

Kung ipalalabas na ang Jadine series ngayong last quarter of 2014 o bago matapos ang taon ay mauunahan nila ang Kathniel series na sa unang buwan ng 2015 pa ilalabas.

ADVERTISING

Magreak kaya ang Kathniel fans dito?

Anyway, masusubukan ngayon kung gaano kalakas ang following ng Jadine loveteam once ipalabas ang My App Boyfie sa telebisyon. Parehong kumita ang Diary ng Panget at ang Talk Back And You’re Dead kaya exciting ang maging susunod na kaganapan.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING