James Reid at Nadine Lustre, effective ang loveteam kahit walang something

ADVERTISING

James Reid at Nadine Lustre, effective ang loveteam kahit walang something

Nadine-Lustre-James-ReidHINDI MO kailangang ipilit. Kaya nga mukhang walang “something” between James Reid and Nadine Lustre.

ADVERTISING

Kadalasan kasi kapag magka-loveteam, asahan mo na may umuusbong na pagtitinginan sa magka-partner. ‘Yong totoong pagtitinginan at nararamdaman (at hindi pilit).

Sabi ng isang insider, straight forward si James. Hindi kasi showbiz. Kung ano ‘yong totoo, ay ‘yon ang makikita mo sa kanya. “What you see in him, siya ‘yon. Kung wala silang relasyon ni Nadine, e ‘di wala. Hindi siya p’wedeng ipilit,” dagdag pa ng kausap namin.

Kahit walang “something” between JaDine, maganda pa rin ng timpla sa dalawa. Kinakagat pa rin sila ng publiko. Effective sila na patunay lang ang resulta ng pelikula nila. Naka-dalawang project na sila na puro hit at box-office success kahit ang love team nilang dalawa ay pampelikula or telebisyon lang (may ginagawa silang teleserye sa Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network na On The Wings Of Love na nagsimula na ang taping two weeks ago).

ADVERTISING

Kaya nga sa launch ng pelikula nila na Para sa Hopeless Romantic ng Star Cinema at Viva Films, malayo man ang agwat na kanilang kinauupuan, ang mga fans nila na nasa loob ng venue ay kinikilig pa rin. Hindi kasi sweet sa isa’t isa sina JaDine. Actually, cold silang dalawa sa isa’t isa, pero hindi man sila ang mag-on for real at pang-reel lang, effective pa rin ang love team nila.

Nakikita namin ang “love” na namagitan noon kina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na kinakagat ng publiko kapag nagsasama sila sa pelikula o teleserye. Kahit may kanya-kanya silang karelasyon off-screen, ang mga tagasubaybay nila ay tinatangkilik pa rin sila. Sa mga eksena nila na very romantic, kinikilig pa rin ang publiko sa kanila kahit alam naman na hindi talaga sila magkarelasyon.

Sina JaDine, para sa kanila, hindi kailangang maging totoo na kailangan nilang magkaroon ng relasyon sa totoong buhay dahil swak na swak ang formula nilang dalawa. Pangatlong pelikula ito nina JaDine na mapapanood na sa May 13.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING